Tesbun

preggy.jpg
Photo from dreamstime.com

Mahal kumusta ka na?!

Ansakit naman ng biro ng tadhana

Na makitang buntis ka na

Ngunit para sayo ako ay masaya

Pero mas masaya sana

Kung ako ang naging ama

Subalit ngayon ay iinumin ko’ng aking mga luha

Kung sana noo’y di ako naunahan ng kaba

Nung ika’y malaya pa

Malamang tayo ang itinadhana

Pero ngayon ay huli na

At wala na’kong magagawa pa

Kundi ibulong sa sarili ko ang “mahal kita”

At tanungin ka ng “kumusta?”