Batas Militar

Ano na Pinas, tang-ina hanggang ganito nalang ba tayo?!

santabanta

Marahil ay di pa nga natin nararating na mga Pilipino ang antas ng maturity upang magkaisa sa mga pagkakataong nasa kalagitnaan tayo ng digmaan kontra terorismo tulad ng nangyayari ngayon.

Nakakalungkot isipin na imbes na bitiwan muna natin ang pagkakaiba-iba alang-alang sa mga kababayan natin na nasa bingit ng panganib ay marami parin ang di maisantabi ang pansariling mga interes.

Putang ina. Walang pagsidlan ang galit ko. Di nako nagtataka kung bakit andaming ayaw nang maging Pilipino.

Napakaraming faction, napakaraming marurunong, ganid, talangka, baboy, at ahas na ayaw magpakatao at ayaw maging tao. Tulad nalang ng nakikinikinita kong marami ang pagsasamantalahan ang mga nangyayari tulad ng mga MILF, MNLF, NPA, private armed groups, mga pulitikong bwaya, at iba pang mga traydor at salot sa lipunan.

Awang-awa lang ako sa mga kapatid nating sundalo at pulis na sumasalag sa mga kaguluhan. Sila na nga ang nasa bingit ng kamatayan, sila pa ang madalas maturingang masama.

Putang ina talaga.

Buti pa ang America. Matapos ang 911 ay nagluksa sila bilang isang bansa at pagkatapos ay isang bansa ring naghanap ng katarungan. Kung may puntos lang sana ang unity ay naka 100 points sila. E tayo, tang-ina bokya!

Ano na Pinas, tang-ina hanggang ganito nalang ba tayo?!

To the Lovely Lady With Lovely Dimples

dimples
“Ok lang kahit anghirap sabihin at isulat ang pangalan mo Shin Min Ah. Cute ka naman tapos bonus pa yung dimples mo. Pakiss nga ako…” ang larawan ay mula sa imgarcade.com

Habang nasa van ako isang gabi, puyat, pagod at antok na antok ay pinanood kong muli si Vela Blue sa aking cellphone habang hinahataw nya ang drums.

She never fails to put a smile on my face.

Bakit kaya palagi nalang?

Bukod sa ansarap nyang yakapin habang nage-enjoy siya ay dahil ito sa kanyang dimples.

Di ko alam bakit gandang-ganda ako sa mga ladies na may dimples. Siguro ay dahil ang una kong gf ay may biloy. A basta. Nakakapagpalabas talaga siya ng ngiti. Yung tipong:

“mahal, huwag kang ngingiti at baka di nako balikan ng hininga ko…”

Bawat magagandang binibining may biloy, para sa akin ay isang prinsesa na kay sarap alayan ng mga kaloob upang ako’y mabiyayaan ng kanyang matatamis na ngiti habang ang kanyang mga dimples ay pinaglalaruan ang aking damdamin at kamalayan.

Mula noon ay di na ako nagkaroon ng leading lady na may dimples. Mukhang nakuntento nalang ako na matuwa sa mga binibini na may mala-langit na mga ngiti na pinatatamis ng kanyang mga dimples.

Marahil ay sa kadahilanang ang biloy at ang puso ko’y parehas ng hitsura. Yung puso ko nga lang e may bakas ng mga palaso ni Kupido na nag-iwan ng malalim na latay.

Sige na, sige na keso na kung keso. E yung keso nga andami ding dimples e…

Ang Mga Pinakamakabuluhang Mga Katanungan sa Mundong Ibabaw

1.Mag-utol ba si Sushmita at Tito Sen?

lpc_043gb_the_earth

  1. Mag-utol ba si Sushmita at Tito Sen?
  2. Bakit naaalibadbaran ang mga arkitekto sa poste?
  3. …malaki ang galit nila sa mga shear wall at core walls?
  4. …inis sa bigang malalim?
  5. …kung maaari e palutangin nila sa hangin ang kisame at bubong para wala nalang poste at shear walls?
  6. …parang ganun nalang kadaling magbutas sa mga walls na parang magbubura lang ng line element sa Autocad, kung ang katumbas nito sa isang inhinyerong gaya ko ay mga araw at gabing babaliktarin ang utak para lang paganahin yung naiwan na pader?
  7. Bakit nakakapiyok kantahin ang Touch By Touch lalo na sa bandang “…♫do it we’ll still do it(! sabay piyok)♫ night and day♪”…?
  8. Bakit ang mga MEP ay walang pakundangan sa pagbutas kung saan-saan kaya nagkakalasug-lasog ang mga sementadong sahig?

Itutuloy…

(Ang gif sa taas ay mula sa 3dstereo.com)

Karwahe

Kate+Middleton+Royal+Wedding+Carriage+Ride+Fa4ILTYMuJ-l.jpg

Karwaheng angkop sa aking sinisinta

Ipangsusundo sa naghihintay kong prinsesa

Aking lilinisin at pakikintabin

Angkop sa iyong samyong dala ng hangin

 

Hatak ng mga kabayong sugo ng langit

Kita’y ililibot sa aking kahariang walang ligalig

Ligaya sa’king puso sayo’y ipababatid

At ang aking tunay at wagas na pag-ibig

 

 

 

photo from  zimbio.com

Bagong Umaga

nature-spring-morning

Ubos
Said
Tuyo
Pusong lamog sa bugbog
Isipang animo’y butu-butong itinaktak at sinupsop

Lahat na sa akin binigay mo
Maliban lamang ang iyong puso

Sa kalangitan pilit kang inabot
Tumalon, lumipad at nagpaimbulog
Lumagapak sa lupa na tangan sa tikom na kamao ang nakuhang liwanag

Duguan
Sugatan
Pipikit
Kadiliman…

Ako’y pansamantalang mamamahinga
Upang makaipon ng lakas para sa bagong umaga

Babangon
Magkakape
Titindig
Tuloy ang laban!
Hindi magugupo ang Bataan
Pag-ibig kong ito ay lalaban
At ikaw ay hinding-hindi susukuan!

 

 

 

 

photo from boolanddesigns.com

Ano Daw? 1

Slide1

Vela Blue-chan, Boku wa Suki Da to Sakebitai!

Iba talaga ang dating ng chic na marunong mag rock en roll.

Bukod sa cool na cool ito ay may taste syang astig na hinding-hindi maluluma.

At ang mas nakaka-inlove ay yung kumportable sya sa sarili nya at nage-enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Gaya nalang ni Vela Blue na wala kang magagawa kundi ngumanga at humanga habang hinahataw niya ang drums sa tugtog ng Slamdunk anime opening song na “Kimi Ga Suki Da to Sakebitai” na ayon sa mga translations ay “I want to shout I love you.”

Ang galing ng pagkakabalanse nya ng kanyang pagiging chic at rocker.

Lalo na habang ngumingiti siya ng isang pamatay na ngiti at lumalabas ang kanyang mga dimples ay talaga naman brad!

Pero kung may pagkakataon nga din lang ako ay di ko lang isisigaw ang “I love you Vela Blue!”

Yayakapin ko pa siya.

Kikit Kikit

Pinky-Finger.jpg
“Iggamam ta kikit nakkong…” Ang larawang ito ay mula sa imgarcade.com

Anlaki ng prinoblema ng asawa ko: “Dad alam mo ba yung kikit? I-download mo nga at kinukulit ako ng anak mo.”

Sa totoo lang ay prinoblema ko rin ito.

Una, dahil ang naisip kong kikit ay yung Ilocano ng “hinliliit”. Pero dahil hindi naman nada-download ang hinliliit ay naisip kong kanta yung pinapadownload ng anak ko. Pangalawa, ay sa kadahilanang di ko pa naririnig ang kanta. Mas madali sanang maghanap ng kanta kung maski man lang yung tugtog at katiting na lyrics e alam ko.

Nung magtype ako sa search bar ng YouTube ay tinype ko yung “kick it” sa pagbabakasakaling may kanta ngang may titulong ganun. Nung may nakita ako ay tinawag ko ang panganay ko at tinanong kung yun nga yung pinapadownload nya.

Walanjo, tumama ako! Kaya pala di ko alam yung Sidekick ni Dawin dahil hindi yun kasali sa genre ko ng heavy metal at alternative. Pero ayos narin dahil tuwang-tuwa naman yung anak ko at sa wakas ay makakapagsayaw na sya sa saliw ng tugtog sa tv at hindi nalang sa isip nya.

Pano kaya kung isa-Tagalog tong kantang to? ‘Matic na may umilaw na bumbilya sa utak ko at napangiti ako ng ngiting animo’y may binabalak na masama:

“♫ SIPAIN MO! ♪ SIPAIN MO! ♫”