Independence Day Daddy Blues

“Mommy, mommy! Ibinili ako ni Daddy ng sunglasses, ang ganda wala akong makita!”

Face palm.

warriors_nba-finals-cavaliers-webf-5-small.jpg
Well deserved. Lebron’s one hell of a player and deserves no less credit. This championship is hard earned and that’s what makes this victory very sweet indeed! (AP Photo/Marcio Jose Sanchez) Photo taken from sports.abs-cbn.com

Mas madilim na sunglasses, mas ok para sa akin.

Yun ang tangi kong pamantayan sa pagpili ng proteksyon sa mata. Naapektuhan ng ilang taon nang pagtatrabaho sa harap ng computer ang mga mata ko kaya eto, nai-stress na masyado sa maliwanag.

Madalas madaling araw pa lang tuwing umaalis ako ng bahay at may kalaliman narin ng gabi ako nakakauwi kung kaya, kung tutuusin ay di ko na kailangan ng shades. Pero nitong mga huling araw ay nadadalas na akong masinagan ng araw pag-commute kung kaya na-excite akong magka sunglasses ulit.

Kaya nitong Lunes na holiday ay pumunta kami ng anak ko sa DIY upang bumili ng shades. “Yung pangwelding” ang deskripsyon ko sa sales lady. Nawili ako sa pagpili at hangang hanga ako sa kakayanan kong mamili ng shades. Balot na balot yung shades at di mo pwedeng buksan para isuot. Pero di na bale, alam ko ang pinipili ko. At dark nga yung nabili ko gaya ng gusto ko. I’m the man!

Nang makalabas na kami matapos kong bayaran yung shades ay agad ko itong kinuha para isuot.

Putik!

Wala akong makita kapag nasa lilim na yung tinitignan ko! Badtrip, pormatiks yung hitsura pero pangwelding ata talaga yung nakuha ko.

Habang nasa tricycle kami ng anak ko ay tuwang-tuwa siyang pinag-aagawan namin yung shades. Pero sobrang panghihinayang ko sa pinangbayad kong kulang-kulang dalawang daan.

Nang makatulog na ang panganay ko ay saka lang naikwinento sakin ni boss yung excitement ng anak niya nang makauwi kami. Tawa ng tawa si boss.

“Mommy, mommy! Ibinili ako ni Daddy ng sunglasses, ang ganda wala akong makita!”

Face palm.

Konswelo ko nalang na may natural humor yung bata, mana sa mommy nya…

Ang Kakabagong Diksyunaryong Pilipino: Metal Detektor

Slide1.JPG

To the Lovely Lady With Lovely Dimples

dimples
“Ok lang kahit anghirap sabihin at isulat ang pangalan mo Shin Min Ah. Cute ka naman tapos bonus pa yung dimples mo. Pakiss nga ako…” ang larawan ay mula sa imgarcade.com

Habang nasa van ako isang gabi, puyat, pagod at antok na antok ay pinanood kong muli si Vela Blue sa aking cellphone habang hinahataw nya ang drums.

She never fails to put a smile on my face.

Bakit kaya palagi nalang?

Bukod sa ansarap nyang yakapin habang nage-enjoy siya ay dahil ito sa kanyang dimples.

Di ko alam bakit gandang-ganda ako sa mga ladies na may dimples. Siguro ay dahil ang una kong gf ay may biloy. A basta. Nakakapagpalabas talaga siya ng ngiti. Yung tipong:

“mahal, huwag kang ngingiti at baka di nako balikan ng hininga ko…”

Bawat magagandang binibining may biloy, para sa akin ay isang prinsesa na kay sarap alayan ng mga kaloob upang ako’y mabiyayaan ng kanyang matatamis na ngiti habang ang kanyang mga dimples ay pinaglalaruan ang aking damdamin at kamalayan.

Mula noon ay di na ako nagkaroon ng leading lady na may dimples. Mukhang nakuntento nalang ako na matuwa sa mga binibini na may mala-langit na mga ngiti na pinatatamis ng kanyang mga dimples.

Marahil ay sa kadahilanang ang biloy at ang puso ko’y parehas ng hitsura. Yung puso ko nga lang e may bakas ng mga palaso ni Kupido na nag-iwan ng malalim na latay.

Sige na, sige na keso na kung keso. E yung keso nga andami ding dimples e…

Ang Kakabagong Diksyunaryong Pilipino: Kleptospirosis

Slide1

Ang Mga Pinakamakabuluhang Mga Katanungan sa Mundong Ibabaw

1.Mag-utol ba si Sushmita at Tito Sen?

lpc_043gb_the_earth

  1. Mag-utol ba si Sushmita at Tito Sen?
  2. Bakit naaalibadbaran ang mga arkitekto sa poste?
  3. …malaki ang galit nila sa mga shear wall at core walls?
  4. …inis sa bigang malalim?
  5. …kung maaari e palutangin nila sa hangin ang kisame at bubong para wala nalang poste at shear walls?
  6. …parang ganun nalang kadaling magbutas sa mga walls na parang magbubura lang ng line element sa Autocad, kung ang katumbas nito sa isang inhinyerong gaya ko ay mga araw at gabing babaliktarin ang utak para lang paganahin yung naiwan na pader?
  7. Bakit nakakapiyok kantahin ang Touch By Touch lalo na sa bandang “…♫do it we’ll still do it(! sabay piyok)♫ night and day♪”…?
  8. Bakit ang mga MEP ay walang pakundangan sa pagbutas kung saan-saan kaya nagkakalasug-lasog ang mga sementadong sahig?

Itutuloy…

(Ang gif sa taas ay mula sa 3dstereo.com)

Bagong Umaga

nature-spring-morning

Ubos
Said
Tuyo
Pusong lamog sa bugbog
Isipang animo’y butu-butong itinaktak at sinupsop

Lahat na sa akin binigay mo
Maliban lamang ang iyong puso

Sa kalangitan pilit kang inabot
Tumalon, lumipad at nagpaimbulog
Lumagapak sa lupa na tangan sa tikom na kamao ang nakuhang liwanag

Duguan
Sugatan
Pipikit
Kadiliman…

Ako’y pansamantalang mamamahinga
Upang makaipon ng lakas para sa bagong umaga

Babangon
Magkakape
Titindig
Tuloy ang laban!
Hindi magugupo ang Bataan
Pag-ibig kong ito ay lalaban
At ikaw ay hinding-hindi susukuan!

 

 

 

 

photo from boolanddesigns.com

Barado

stopit.jpg
taken from consumerist.com

Mga sasakyang bumabara sa kalsada: traffic.

Ugat na daluyan ng dugong nabarahan sa dibdib: heart attack.

Bumarang mga salita sa aking lalamunan nang makahanap ako ng magandang pagkakataon na kausapin ka: “maal ia”

Mga nautal kong salita na bumara sa tenga mo sabay tawa mo ng malakas: “alam mo nakakatawa ka talaga, para kang yung boyfriend ko”

Buti nalang bumara ang mga luha ko at di tumulo, kunwaring ngumiti ako at napabulong nalang ng : “uang iya, ang ait!

Baradong pagtatapat ng saloobin sayo at basketball na sinalubong ng mga bukas na palad: SUPALPAL!!!

Ano Daw? 1

Slide1

Ang Pilipino Sa Makabagong Panahon (?)

untitled.png
Ang larawan ay mula sa philippineslifestyle.com

Maligayang pagdating sa Pilipinas, ang natatanging Katolikong bansa sa timog-silangang Asya!

Dito:

  • ay dapat mag-ingat sa mga mandurukot
  • ay kung saan ang mga magnanakaw sa bayan ay protektado ng “Rule of Law
  • ay dapat mag-ingat sa mga paliparan. Lalo na sa NAIA dahil sa mga “laglag-bala” boys
  • na kung sa kahihiyan ay naghara-kiri na ang mga Hapon, dito ay nagpi-priviledged speech pa
  • ay kung saan ang mga bibo ay yung mga reklamador; maprinsipyo, matapang, at makabayan naman ang mga nangungudeta at nagtatangka ng destabilisasyon
  • na kung saan madalas ibansag ng ibang lahi ang salitang katulong o di kaya’y mga gold-digger na daig pa ang linta kung makakapit sa mga banyagang may limpak-limpak na salapi
  • ay kung saan ko nabasa na dapat na daw palitan ang Pilipinas ng “Alipinas” o di kaya ay “Pilapinas”
  • ay kailangan mag-ingat lalo na ang pagpunta sa katimugang bahagi ng bansa dahil sa banta ng Abu Sayyaf
  • ay kung saan ang mga rebelde ay aktibo sa walang habas na pagpaslang sa mga sundalo’t pulis kung kelan umiiral ang ceasefire
  • ay kulang nalang sabihan ng iba na manghihimod ng pwet ng mga puti upang makalimos lang ng proteksyon sakaling magkaroon ng digmaan
  • kung saan di bale nang mamatay ang mga alagad ng batas. total, parte naman daw yun ng kanilang tungkulin, wag lang yung mga nanggagahasa ng sanggol at yung mga gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen dahil sa droga. Dahil may karapatan din sila
  • ay kung saan sapat ang dahilan sa sarili na hikahos sila at api upang humilata nalang at magreklamo habang naghihintay ng tulong ng gobyerno.

Masakit ba? Nakakainis pakinggan di ba?

Oo masakit pakinggan, masakit sa dibdib. Lalo na kung manggagaling pa sa ibang lahi. Para kang nanalamin at naisubsob sa iyong pagmumukha ang katotohanan. Para kang nadapa na imbes tulungan ay inaapakan pa ang ulo mo para mahalikan ang putikan.