Batas Militar

Ano na Pinas, tang-ina hanggang ganito nalang ba tayo?!

Advertisements

santabanta

Marahil ay di pa nga natin nararating na mga Pilipino ang antas ng maturity upang magkaisa sa mga pagkakataong nasa kalagitnaan tayo ng digmaan kontra terorismo tulad ng nangyayari ngayon.

Nakakalungkot isipin na imbes na bitiwan muna natin ang pagkakaiba-iba alang-alang sa mga kababayan natin na nasa bingit ng panganib ay marami parin ang di maisantabi ang pansariling mga interes.

Putang ina. Walang pagsidlan ang galit ko. Di nako nagtataka kung bakit andaming ayaw nang maging Pilipino.

Napakaraming faction, napakaraming marurunong, ganid, talangka, baboy, at ahas na ayaw magpakatao at ayaw maging tao. Tulad nalang ng nakikinikinita kong marami ang pagsasamantalahan ang mga nangyayari tulad ng mga MILF, MNLF, NPA, private armed groups, mga pulitikong bwaya, at iba pang mga traydor at salot sa lipunan.

Awang-awa lang ako sa mga kapatid nating sundalo at pulis na sumasalag sa mga kaguluhan. Sila na nga ang nasa bingit ng kamatayan, sila pa ang madalas maturingang masama.

Putang ina talaga.

Buti pa ang America. Matapos ang 911 ay nagluksa sila bilang isang bansa at pagkatapos ay isang bansa ring naghanap ng katarungan. Kung may puntos lang sana ang unity ay naka 100 points sila. E tayo, tang-ina bokya!

Ano na Pinas, tang-ina hanggang ganito nalang ba tayo?!

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

2 thoughts on “Batas Militar”

  1. anyone who contradicts or criticize the government’s effort to finish off these bad guys should be sent off sa bakbakan para sila humanap ng solusyon at umaksyon dun.. tsk tsk

    Liked by 1 person

    1. long long long time no see you in here ๐Ÿ˜€ thank you for gracing this page.

      di na tayo umusad tungkol dito. tingin ko kaya naman natin pero di ko alam bakit di natin maiahon mga sarili natin

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s