Ang Pilipino Sa Makabagong Panahon (?)

untitled.png
Ang larawan ay mula sa philippineslifestyle.com

Maligayang pagdating sa Pilipinas, ang natatanging Katolikong bansa sa timog-silangang Asya!

Dito:

  • ay dapat mag-ingat sa mga mandurukot
  • ay kung saan ang mga magnanakaw sa bayan ay protektado ng “Rule of Law
  • ay dapat mag-ingat sa mga paliparan. Lalo na sa NAIA dahil sa mga “laglag-bala” boys
  • na kung sa kahihiyan ay naghara-kiri na ang mga Hapon, dito ay nagpi-priviledged speech pa
  • ay kung saan ang mga bibo ay yung mga reklamador; maprinsipyo, matapang, at makabayan naman ang mga nangungudeta at nagtatangka ng destabilisasyon
  • na kung saan madalas ibansag ng ibang lahi ang salitang katulong o di kaya’y mga gold-digger na daig pa ang linta kung makakapit sa mga banyagang may limpak-limpak na salapi
  • ay kung saan ko nabasa na dapat na daw palitan ang Pilipinas ng “Alipinas” o di kaya ay “Pilapinas”
  • ay kailangan mag-ingat lalo na ang pagpunta sa katimugang bahagi ng bansa dahil sa banta ng Abu Sayyaf
  • ay kung saan ang mga rebelde ay aktibo sa walang habas na pagpaslang sa mga sundalo’t pulis kung kelan umiiral ang ceasefire
  • ay kulang nalang sabihan ng iba na manghihimod ng pwet ng mga puti upang makalimos lang ng proteksyon sakaling magkaroon ng digmaan
  • kung saan di bale nang mamatay ang mga alagad ng batas. total, parte naman daw yun ng kanilang tungkulin, wag lang yung mga nanggagahasa ng sanggol at yung mga gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen dahil sa droga. Dahil may karapatan din sila
  • ay kung saan sapat ang dahilan sa sarili na hikahos sila at api upang humilata nalang at magreklamo habang naghihintay ng tulong ng gobyerno.

Masakit ba? Nakakainis pakinggan di ba?

Oo masakit pakinggan, masakit sa dibdib. Lalo na kung manggagaling pa sa ibang lahi. Para kang nanalamin at naisubsob sa iyong pagmumukha ang katotohanan. Para kang nadapa na imbes tulungan ay inaapakan pa ang ulo mo para mahalikan ang putikan.

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

3 thoughts on “Ang Pilipino Sa Makabagong Panahon (?)”

  1. ganda nito kuya, direct to the point hihihhi.. kaya nga I consider myself mapalad siguro dahil nakaalis ako sa bansa naten… dahil natakasan ko ang mga nabanggit mo sa itaas.. papano na lang kaya yung mga walang kakayahang mag-abroad, nakakaawa lang. they have no other choice but to stay there.

    Liked by 1 person

    1. yep, alam mo ngayon ko lang napag-isip isip to ng malaliman ngayon na nag-aaral ako ng Nihongo. tingin ko sa dinami dami ng napagdaanan natin bilang Pilipino di pa natin nakikilala yung totoong tayo kaya ang baba ng tingin natin sa sarili at ang tingin sa atin ng ibang tao

      Liked by 1 person

      1. Oo kuya, kaya hindi ko masisisi ang karamihan kung lalayasan nila ang Pinas. Kung wala lang ang pamilya ko dun hindi ako babalik dun para magbakasyon eh… hayzzt ayun laang..

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s