Salmo Dos Sientos Quatro: Ang Salmo ng Taong Matigas ang Ulo

1Di ko mapagtanto ang kalooban Mo,
Kung kaya ipinagpipilitan ko ang mga nais ko,
2Na sa pakiwari ko saki’y makakabuti,
Dahil ang pagsunod Sayo’y puro lamang hinagpis at dalamhati.

3Alam kong pagsusumikap ko’y walang kapararakan,
Na iayon ang Iyong kalooban sa ‘king mga kagustuhan,
4Pagkat ilang beses mo na sa’king pinatunayan,
Na ika’y Dios na makapangyarihan at ako’y hamak na hinulma lamang sa putikan.

5Subalit ako’y naghahanap parin ng mga kasagutan,
Upang mabuhay ng tahimik na naaayon sa ating kalooban,
6Dahil sa aking paniwalang kabutihan ko at ng mga mahal ko’y ako ang nakakaalam,
Na imbes na iyong baguhin ay hiling kong Iyong basbasan.

7Ngayon ako’y tiklop-tuhod na humihingi Sayo ng kapatawaran,
Sa aking mga naturang mapagmalabis, at kawalang kaalaman
8Iyong kabutihan, pag-ibig, at habag kami’y tangan-tangan,
Na siyang aming panghahawakan sa kinabukasan.

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

6 thoughts on “Salmo Dos Sientos Quatro: Ang Salmo ng Taong Matigas ang Ulo”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s