Ang Huling Bukang Liwayway

Dahan-dahan si Ahmed sa paghakbang. Tangan nya ang AK47 at nakatutok sa madilim na kakahuyan na nakapalibot sa kanya habang pinapakiramdaman ang damuhan sa bawat yapak.

Normal na para sa kanya ang mga ganitong pangyayari. Sanay na sanay siya sa kanyang buhay bundok. Tahimik, maliban sa mga mangilan-ngilan na putok ng baril, pagsabog ng mga 50mm mortar at pangungulit ni Sakudim.

‘Med, pengeng yosi’ anang malakas na tinig sa kanyang likuran.

‘Wag kang magulo. May narinig ako banda dun.’ sagot niya ng pabulong.

‘Wala yun bayawak lang yun. Kung anu-anong naiisip mo bigyan mo na nga lang ako ng yosi’ nang-aasar na lumapit si Sakudim.

‘Tangina mo wag ka ngang ma…’

Nakaramdam ng tilamsik sa mukha si Sakudim at nadamay na natalsikan ang kanyang paningin. Pagkakusot niya sa kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang harapan ang nakadapang labi ni Ahmed na may ga-kamaong butas sa pagitan ng kanyang mga tenga.

Agad inabot ni Sakudim ang radyo sa kanyang tagiliran. Ngunit bago pa man niya mailapit ang radyo sa kanyang mukha ay muling umalingawngaw ang isang putok at tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin…

At doon na nagsimulang magliparan ang mga tingga na siyang nagbigay ng patay-sinding liwanag sa masalimoot na gabi…

xxx

‘Gago ka lakay, pinuruhan mo agad di mo man lang hinayaang magdusa muna.’ ani Bogard habang hawak ang night vision binoculars at naghahanap ng susunod na target.

Mahirap kumuha ng ganitong uri ng night vision binoculars na primera klase. Kahit sa mga sundalo at mga pulis. Kung tutuusin ay halos imposible ng bumalik ang kontrol sa mga militar sapagkat karamihan na ng mga isla sa bansa ay nasakop na ng ISIS. Maging ang general head quarters ng hukbong sandatahan at ang Camp Crame sa EDSA sa kabisera ay nasa ilalim na rin ng mga terorista.

Unang napasailalim sa kamay ng ISIS ang Mindanao. Dahil sa naghalong korapsyon sa gobyerno at nakalap na suporta ng mga tao sa mga terorista ay naging madali ang pagmartsa ng grupo mula timog pakanluran. Ngayon nga ay nakarating na sila sa Maynila at isusunod na sasakupin na ang gitna at kanlurang bahagi ng Luzon. Walang nagawa ang mga pulis at militar kasama ang president at kanyang mga gabinete kundi umatras at subukang depensahan ang natitirang bahagi ng Pilipinas sa norte.

Simula nang lumaganap ang saklaw ng ISIS sa mundo na kasalukuyang pinadadapa ang Estados Unidos ay namigay na si Uncle Sam ng mga armas, bala at iba pang mga kagamitan gaya ng mga night vision binoculars upang kahit papaano ay makatulong sa kanyang mga kaalyado na nasa bingit na ngayon ng pagkakasakop. Maswerteng nakakuha si Bogard at si Kardo ng mga gamit kabilang ang night vision binoculars ng magpalista sila bilang mga makabagong guerilla upang sa ganon ay maipagtanggol ang natitirang bahagi ng bansa hanggang sa huling sandali. Di bale ng mamatay, basta mamatay na lumalaban.

‘Ulul! E kung nakatakas pa? Imbes na nabawasan na tayo ng 2 problema e bibigyan mo pa ng tyansa. Pano kung tayo ang todasin nyan?!’ sagot ni Kardo na hindi man lang natinag sa pagkakatutok ng kanang mata sa kanyang sniperscope. Mga gago kayo, lumayas na kayo dito, ani Kardo sa kanyang sarili. Saglit siyang natigilan sa kanyang iniisip ng biglang tumunog ang radyo.

‘Request for cover fire. Pinapaulanan kami dito sa tango area.’

‘Mamaya na ang yosi lakay, magtrabaho muna tayo’ nabasa ni Bogard ang iniisip ni Kardo. Saglit na hinagilap ni Bogard ang lugar kung saan nagpapaulan ng bala ang machine gunner ng mga terorista.

‘750 meters, 10 o’clock. May tumpok ng lupa. Tago yung katawan pero kitang-kita yung ulo’

Agad nakita ni Kardo ang patay-sinding ilaw ng machine gun at kanyang hinagilap kung saan pwedeng taniman ng bala ang pesteng terorista.

‘Bingo. Wag ka ng gumising tang-ina mo ka.’ Pinuno ni Kardo ng hangin ang kanyang mga baga at bahagyang tumigil. Sandali niyang kinapa-kapa ang gatilyo sabay kalabit.

Nanahimik ang paligid at nawala ang patay-sinding ilaw galing sa machine gun.

‘Tatlo’ bilang ni Bogard.

‘Tara, lipat tayo ng ibang pwesto’ sinabi ni Kardo sa kasama sabay buhat sa kanyang sniper rifle.

Itutuloy…

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

1 thought on “Ang Huling Bukang Liwayway”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s