Made in the Cemetery (Ang Pag-iibigang Binuhay sa Libingan)

0_caters_living_amongst_the_cemeteries_01-800x498
Ang tulang ito ay alay ko sa mga nagmamahalang nananahan sa mga himlayan. Nagmula ang larawan na to sa http://www.catersnews.com

Sa sementeryo tayo unang nagtagpo
Sa mundong tahimik, sa mundo ng mga kalansay at buto
Kung saan ang lahat ay namamahinga at tahimik na nahihimlay.
Ating pagsasama ay nahubog sa katahimikan
Na siyang lalong nagbigay tinig
Sa ating mga pusong nagmamahalan
Mga patay ang ating saksi;
Magarang musoleo ating altar;
Mga inukit na anghel mga batang nag-aalay;
At ang krus sa ating harapan
Ang siyang tanglaw sa ating pag-iibigan.
Sino’ng maysabing ang sementeryo’y impyerno
Kung ang dulo ng langit nalasap natin dito
Walang pupuna
Walang iskandalo
Saksi natin mga nitso’t puntod
At mga batong santong bibig ay nakatikom.
Ating mga supling sa sementeryo isisilang
Sa tahimik na paraiso aarugain at pangangaralan
At bubusugin ng mga tawa at pagmamahalan.
Salamat sa sementeryong nagbigay kaganapan
Sa kapahingahan at pag-iibigan
Sa lugar ng kamatayan at tuyong kalansay at buto
Isang natatanging paraiso dahil sayo mahal ko…

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

8 thoughts on “Made in the Cemetery (Ang Pag-iibigang Binuhay sa Libingan)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s