Para Sa Erpats Kong Isang Dekada Nang Todas

110533_20130628_194144_city_of_angels_by_darkpoetry
RIP bro. Photo from http://www.searchquotes.com

♬ For he’s the jolly good fellow 3x ♪♪
♪♪♪ Nobody can deny 3x ♬
(hit repeat to infinity…)

Alam kong hindi ka nainom pero sayang at hindi mo ako nadadamayan ngayon. Masarap pa naman yung dinala ni nanay dito na native na pabo, bagay na bagay sa Red Horse at mahaba-habang kwento.

Pero ayos lang tay, ganun talaga siguro. Nauna ka lang pero mga sandaang taon pa e susunod narin kami.

Marami sana akong tanong sayo tungkol sa pagiging ama. Nga pala, syempre pogi mga apo mo, mana sakin. Oops wag ka ng humirit boss, ako nalang buhay sa atin ngayon. Pero kung makakausap sana kita e tatanungin kita kung pano maging mabuting haligi ng tahanan. Gusto kong maging mabuting ama, ano pa nga bang pwede kong gawin para maging ganun ako?

Totoong marami akong pagkukulang pero ayaw ko namang manatiling nababanas nalang sa mga pagkukulang ko na iyon. Sa tulong ng Diyos e babangon at babangon ako. Mas astig. Mas mabuting ama at kabiyak. Mas mabuting kaibigan. Mas pogi. Ikaw tay, ano bang opinyon mo?

Pero utang na loob lang tay, wag na wag kang sasagot. Ayaw kong hamunin kang magparamdam o magpakita. Tulad mo e okatokat din ako sa mga di dapat ginagambala.

Pero tay isa lang naman ang gusto kong sabihin: salamat. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa aruga. Salamat sa pagiging unang modelo ko kung pano maging ama at lalaki na may pasan na responsibilidad sa loob ng tahanan. Salamat sa panggugupit ng buhok ko nung bata pa ako na wala akong kalaban-laban. Salamat sa mga palo. Salamat sa mga kwento mong lasang karne ng manok ang palakang bukid.

Salamat.

Nakakainis ka nga lang brad. Andaya mo kasi, uuna-una ka. Hehe joke lang naman boss..

Sana sa ibang buhay ay ako naman ang erpats mo. Para ako naman ang gugupit sayo ng crewcut para ikaw naman ang lumuluha habang nagmamakaawa na nagsasabing ‘(singhot ng naghalong uhog at laway) tay barbers, yung syete, TAY BARBERS, YUNG SYETE!! (hagulhol)’

Hehehe

Tay wag kang magagalit ha, katuwaan lang 😄 kanpai!

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

11 thoughts on “Para Sa Erpats Kong Isang Dekada Nang Todas”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s