Silpon

stock-vector-smartphone-addiction-young-woman-looking-at-hier-smartphone-and-walking-into-an-open-manhole-240027997
“Uhm, honey, I think you’re running out of road…” Photo from shutterstock.com

Nakakahumaling ka daw. Nakaka-addict.

Hindi ko maintindihan kung bakit di ka nila mabitaw-bitawan. Sa sobrang pagmamahal nila sayo e  kapit tuko sila kahit saan.

Kahit sa mga bus at jeep. Kahit may mukhang holdaper at mamamatay tao na sa loob e di bale na basta mahimas ka lang. Di bale nang masubsob sa bus, hinding-hindi sila hahawak sa mga hawakan. Di bale ng madisgrasya at masubsob sa kilikili ng iba basta hawak ka parin e ayos lang.

May date kuno sa syota at pamilya pero di naman nag-uusap. Parehas may bara ang mga tenga, tutungo-tungo at tatawa-tawa mag-isa. Di bale nang tawagin silang ulol. Nagde-date naman daw sila – sa COC, kaya para narin daw silang nag-uusap.

Maski sa mga lansangan. Mabubundol na di parin natitinag. Pano, ang lakas-lakas ng pinapatugtog. Tang-inang chung chang na di naman nila maintindihan. Bi-bingo na sa imburnal di parin alintana. Pano nakatutok sayo kahit naglalakad, kulang nalang paghahalikan ka. Nagtu-tweet daw e bakit di muna umakyat ng puno, sa kalsada pa talaga gagawin. Umaaligid na yung snatcher di parin pansin.

Tang-inang yan.

Hindi nilikha ang tao para lang pindutin ka. Pero ngayon parang ganun na nga. Ang kasangkapan na ang kumakasangkapan sa nangangasangkapan ngayon, ang labo men!!!

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

8 thoughts on “Silpon”

    1. bitter? di ko lang maintindihan brad e, maraming nagrereklamong nadudukutan e konti nalang iabot nila mga cellphone nila..

      tapos may mga chics din sa bus na halos masubsob kapag pumepreno pero imbes na nasa hawakan yung kamay e sa cellphone kumakapit, diba?!

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s