Construction Worker Ako

constructionsite_2
Parang ganito… Photo from http://www.engineering.vanderbilt.edu

Siyang tunay mga pre.

Awa ng Dios e hindi naman ako yung nauutusan bumuhat ng semento, maghukay ng pundasyon, magpalitada, at bumaluktot ng bakal. Kahit papano e ako na yung nagu-utos sa foreman. Ganun pa man ay construction worker parin na matatawag ang mga nagtatrabaho sa construction area kesehudang structural engineer ka man, project engineer, project architect, o operator ng backhoe.

Mahirap sa site lalo na kapag civil contractor ka. Dapat e para kang ATV na sala sa putik at alikabok, araw at ulan, sa patag o rolling hills.

Dati kasi noong bata pa akong enhinyero e naranasan ko ang hirap ng nasa construction site (tang-ina eto nanaman tayo. Pero sige na nga total sa awa naman ng Dios e 10 taon na akong enhinyero ngayon.) Sobrang stressful para sakin ang mga unang taon ko bilang enhinyero. Pagkamalas malas nga lang at na-stress at pumangit ako nung mga panahong pilit akong nagpapapogi – umitim at naging kutis-bayag ang balat ko at pumayat ako ng todo.

Pero buti nalang ngayon at structural designer na ako at wala na ako sa construction site. Ngunit kahit naging mahirap para sakin ang pagiging site engineer e marami naman akong naging nakakatuwang karanasan:

  • Naging pahinante ako ng dumptruck.

Madaling araw. Byaheng Balara hanggang sa harap ng SM Marikina. Para malabanan ang antok ay sumasabay ako sa mga dumptruck namin na may kargang lupang panambak mula sa hinuhukay namin sa project site. Sa pagiging pahinante ko rin unang narating ang Litex at Tungko.

  • Natutunan kong mag-sign language.

Para mautusan mo ang tower crane operator habang nasa taas siya ay kelangan mong matutunan mag-rigger. Sign language siya, gamit ang dalawang kamay. Di mo siya pwedeng duru-duruin o pakyuhin kapag inis na inis ka dahil pwede ka niyang bagsakan ng kung anong buhat buhat niya.

Tower_Full_.jpg
Ang tower crane. Wala pong inodoro sa taas. Ang larawan ay mula sa http://www.mrnabytek.wz.cz
  • Nakaakyat na ako sa tower crane.

Kung anong taas ng project, ay dapat mas mataas ang tower crane. Para kang nasa tuktok ng mundo. Kadalasan e tuwing lunch break at uwian tuwing hapon lang nakakababa ang mga tower crane operator kaya madalas ay may baon na silang pagkain at bote para gawing ihian. Malas lang niya kapag natatae siya dahil walang inodoro sa taas.

  • Nakakaadik ang amoy ng concrete mix at aspalto.

Buti nalang at hindi ito nakakatuyo ng utak gaya ng solvents. May side effect nga lang: nakakagutom.

Kung gusto mong respetuhin ka sa construction site e kelangan alam mo magmura ng tama. Not too harsh but not too soft. Kelangan tumutulak ka at bumabatak ka at the same time.

  • Naibuking ko ang sarili kong natutulog ako sa oras ng trabaho.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko nun pero ngayon e nangingisi nalang ako tuwing maaalala ko. Panggabi ang pasok ko nun gawa nung magdamag na operation namin. Napapansin ng project manager ko tuwing umaga na maayos ang bed sa loob ng clinic. Kaya nung isang araw na nagpang-abot kami e tinanong niya ako sa gitna ng ibang staff.

“Natutulog ka ba?” tanong niya sakin.

“Hindi sir” todo tanggi ako.

“E san ka natutulog?” tanong niya ulit.

“Sa bed sir.”

Minsan talaga e dumadating ang katangahan sa perpektong pagkakataon.

xxx

Pero alam nyo ba na ang mga laborer sa construction ang mga tunay na pinagpala at hindi mga nasa Vatican? Totoo. Sila ang mga pinagpala, pinaghukay, pinaghalo ng semento…

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

13 thoughts on “Construction Worker Ako”

    1. teka pano mo nalaman na hindi ako kalbo? 😄

      wow nurse pala si Miss Trinidad, isa ka pala dun sa mga nakaputing nakaka-ayang tignan…

      malamang macho ka hahaha di pwede sa construction site yung mahiyain at mahinhin masyado siguradong di ka makaka-survive 🙂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s