Kung Anu-Anong Kauululan sa Loob at Labas ng UV Express 5: Mga Talang Naiidlip

Ito ay alay sa mga nakakatulog na mga chicmom, mga mutyang dilag at mga kagalang-galang na mga binibini sa bus, UV express at iba pang mga pambublikong sasakyan, na animo’y mga bulaklak sa sementadong hardin…

Advertisements
woman-resting-train-journey-sleeping-33576682.jpg
“♫ Tulog na mahal ko ♪ hayaan na muna natin ♫ ang mundong ito ♪” Ang larawang ito ay mula sa http://www.dreamstime.com

Ito ay alay sa mga nakakatulog na mga chicmom, mga mutyang dilag at mga kagalang-galang na mga binibini sa bus, UV express at iba pang mga pambublikong sasakyan, na animo’y mga bulaklak sa sementadong hardin…

 

Sa pagsara ng iyong mga talukap,

Siya namang aking pag-apuhap

Ng mga katagang maglalarawan

Sa damdaming maligalig at may kapayapaan.

 

Habang sa naglalaho mong diwa

Dulot ng iyong saglit na pagpapahinga

Ay siya namang aking pagninilay

Sa sumpang sa aking pusoy nag-iwan ng latay.

 

Sumpang sa langit ay hinihingi,

Na nawa’y ating mga labi ay magdampi

At mapuno ang aking mga baga

Ng halimuyak ng iyong buhok at ng iyong hininga.

 

Mundo’y pansamantala mong iwan,

Habang ika’y aking babantayan

Iyong puso’y ipaghehele sa katamisan

Mahal kong diwatang hinirang.

 

Aking natatanging binibini huwag mo sanang ipagkait

Na mamalas ko ang natatangi mong rikit

Dahil isa kang talang nanaog mula sa kalangitan

Na napagod at naiidlip ngayon sa aking harapan.

At siya mo namang pagpukaw sa aking diwa,

Sa aking puso at kamalayan.

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

13 thoughts on “Kung Anu-Anong Kauululan sa Loob at Labas ng UV Express 5: Mga Talang Naiidlip”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s