Sindi

Pasensya na talagang adik ako, adik ako sayo

Advertisements
shu-qi-16-jpg.jpg
One more of that smile and I’m flying off this hill baby! Photo from http://www.boomsbeat.com

 

Musta ka na aking chinita?

Balita ko nanganak ka na

Sana ako ang naging maswerteng ama

Na aakap sa inyong mag-ina.

Biro lang aking mahal, biro na totoo

Pasensya na talagang adik ako, adik ako sayo

Itong aking kahangalan at kabaliwan ang magpapatotoo

Sa aking pusong binihag mo.

Sangkalawakan man ang ating pagitan

Ating pinanggalingan at kaugalian

Dalawang banyagang pusong nagkadaupan

Hiling ko sa langit na sana minsa’y magmahalan.

Kahinaan ko ang iyong papikit ng mga mata at nakakabaliw na ngiti

Bilang palamuti sa iyong magandang mukha at mapulang mga labi

Na aking pinangarap na mahagkan at maangkin

At ang damdamin mo’y mabaling sakin.

Sa baluktot kong Ingles pilit kitang sinusuyo

Nagbabakasakaling maaangkin ko ang iyong puso

Na aking aakapin ng mahigpit at ng buong pagsinta’t pagsuyo

Ng taong uhaw sa pag-ibig ng isang tulad mo.

Aking chinita sana ika’y muling masilayan

Na tangan ang sanggol mula sa iyong sinapupunan

Na bagamat tanda ng pagmamahal sayo ng iba

Masilayan ka lang muli ay sapat na sa akin sinta

Upang pawiin ang lumbay dala ng pagkasabik ko sayo dito –

Dito sa kaibuturan ng aking puso…

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

38 thoughts on “Sindi”

            1. ala ket agyamanak kanya yo a dua..

              mandiak dumawat ti dispensa ngem kayat ku lang ibaga nga haan nga agnanayun nga nararagsak kada “naiimbag” dagiti adda ditoy ading hahaha, nu man pay kasta ket na-ibagak lang met dagitoy ken agyamanak ulit

              Liked by 1 person

    1. hello Meg, nice to see you here, maraming salamat sa pagdalaw dito 🙂

      mukhang magkikita kayo ni brad aysabaw a, inaalok nya akong sumama kasama ka daw, e nahihiya naman akong abalahin ang inyong girls talk kaya sabi ko kayo nalang muna 🙂 hahahaha

      Liked by 1 person

                    1. syempre naman krn salamat sa paalala, para sa akin e yun yung mga klase ng ganda na walang mukha. ibig sabihin e para sa amin diretso sa puso at hindi dumadaan sa mata kaya mas malalim at mas makahulugan kesa physical attraction lang

                      Liked by 1 person

                    2. yep, siguro kung fling pwede pa na yung physical lang ang tinitignan (before marriage ang ibig ko sabihin) pero once na nagdesisyon na to settle down e syempre iniisip din namin yung long term, yung magiging mabuting siyang asawa at ina ng magiging mga anak namin… ang hirap naman kung maganda nga pero habang buhay ka namang bubungangaan nyahahaha nasa lupa pa pero para ng ginigisa sa impyerno hahaha

                      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s