Bugtong Bugtong Sagutin ang Tanong: Ano ang MMM – Na Mura na, Masarap, at Marumi Pa?

Pero minsan e dun naman ako sa killer clown o di kaya sa may malaking hayop na may pakpak at malaking panusok sa pwet ako bumibili. Pero bukod sa mahal at makulesterol e madalas nabibitin ako. Buti pa sa MMM smorgasbord.

Advertisements
jollijeep_2.jpg
Sige kain lang ng kain mga kapatid! Photo from http://www.bucaio.blogspot.com

 

Sirit ka na? E di Jollijeep.

Natawa ako kay Carla, officemate ko na graduate engineer. Tinanong nya ko kung kumakain ba ako ng tanghalian sa may jollijeep sa labas ng building namin. Sabi ko oo sabay tanong kung bakit.

May Spanish blood siya at may kaya kung kaya panaka-nakang lenggwahe ni Tetay ang mga usapan namin.

“Kasi everybody tells me not to eat there e!” sabi niya.

Tawa ako sabay biro ng “MMM nga tawag dun e..”

“What’s MMM?”

“Mura na, Masarap, at Marumi Pa.!” Gusto ko pa sanang magbiro na marami lang maaarte pero nagdalawang isip ako kaya pinaraphrase ko nalang ang mga sumunod na sinabi ko.

“Marami kasing mahihina ang panunaw,” pagkukunwari ko. “Maraming hindi sanay.”

Sa Jollijeep ako kumakain araw-araw. Una dahil mura dito, pangalawa, ay dahil murang mura talaga dito. Di naman ako yung taong maselan sa pagkain at di rin naman ako mayaman para araw-arawin ang pagbitbit ng karton na baso na galing istarbaks at mag-takeout ng kung anong pwedeng lamunin sa J.CO Donuts.

Di ako mahilig sa matatamis. Taena, kaya siguro hindi ako likas na sweet.

Suki na ako ng isang kainan dito sa malapit namin. Tuwing umaga, kung hindi pares e malamang sisig o sinuklaw ang ino-order ko sabay take out ng dalawang nilagang saba. Staple ko na yung 2 rice para may lakas ako habang maghapon na pinapakuluan at tinutusta ang utak ko.

Sa takot ko namang maputukan ng ugat sa batok e seafood ang ino-order kong pananghalian. Marami naman akong pinagpipilian: maruming sinigang sa miso, maruming sarciado, maruming pritong tilapia. Pero hindi ako makatiis na hindi umorder ng papaitan kung meron.

Sa norte usong-uso sa amin ang pinapaitan lalo na yung karne ng kambing. Paborito ko yung sinampalukang ulo ng kambing. May kakaibang mabahong amoy (hindi ko lang alam ang kasing-kahulugan ng salitang “angdod” naming mga Ilocano sa tagalog) ang karne ng kambing pero masarap. Tang-ina, nalihis na tuloy sa MMM…

Mas gusto ko sanang magbaon para makatipid at makasigurong nasa allowable limits ang bacteria na kakainin ko pero di ko magawang bumangon ng maaga para makapagluto. Ayaw ko rin naman na makulangan ng oras ng tulog si misis kung kaya sa mga kainan nalang malapit sa opisina namin ako bumibili.

Pero minsan e dun naman ako sa killer clown o di kaya sa may malaking hayop na may pakpak at malaking panusok sa pwet ako bumibili. Pero bukod sa mahal at makulesterol e madalas nabibitin ako. Buti pa sa MMM smorgasbord. Pwede kang umorder ng maruming kanin, maruming maling, maruming sunny side up, maruming pansit at iba pang mga pagkaing saka lang namin niluluto kapag may pera kami.

MMM. Mura na, Masarap, at Marumi pa. Wag lang sanang madagdagan ang MMM ng dalawa pang M – Madaling Makamatay.

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

5 thoughts on “Bugtong Bugtong Sagutin ang Tanong: Ano ang MMM – Na Mura na, Masarap, at Marumi Pa?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s