Kumusta?

Asuna-Yuuki-asuna-yuuki-35130670-480-662.jpg

Malayo palang ay tanaw na kita

Masayang gumagala kayo ng kasama

Natuwa akong makita kang muli

Na may ngiti sa iyong mga labi…

 

Sa loob ng kalahating segundo

Mga mata natin ay nagtagpo

Inakala kong tayo’y magbabatian

Kaunting kaway at kamustahan…

 

Ngunit ika’y tumungo lamang

Tapos ay tumingin sa di kalayuan

At di na nga muling nasilayan

Iyong mga matang puno ng kinang…

 

Ang kanang kamay kong sana’y kakaway

Tumiklop at naging kamao;

Ako’y napangiti na lamang, habang di ko mapagtanto

Ang naramdaman kong lumbay…

 

Nakakatawang isipin

Isang ordinaryong tagpo ng buhay

Mga bagay na nakaraan

Mga bagay na di pwedeng maging ganap

Mga bagay na minsang pinangarap

Mga bagay na alam mong naibaon na sa hukay

Sa isang sulyap at nabigong kamustahan

Sandaling mabibigyang buhay…

 

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

9 thoughts on “Kumusta?”

  1. Hindi ko alam pero parang natouch ako sa tula na ito. Para kasing nakakarelate ako. Hindi na kami nag-uusap o nagbabatian man lang. Though, kaibigan ko ang tinutukoy ko. Hindi ko lang alam kung ano ang tinutukoy dito. Hahaha! Nice one!

    Liked by 1 person

    1. Hello Pinkeujas, kapag semento at bakal ang palagi mong nakikita siguradong mauulol ka 😀 by the way mukhang kaparehas kitang “construction worker” hahahahaha kami yung nagbibigay ng backbones ng mga building. Nice to meet you architect in the making! good luck and thanks for leaving a comment 🙂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s