Bano in English

Napasagot nalang ako ng “yes” na may halong pagtataka sa mga nangyayari. Nahiya naman na akong ipaulit yung mga sinabi niya.

Advertisements
man-talking-on-the-telephone4.jpg
Ano daw?! Photo from http://www.schmidtkaye.com

Bano ako sa spoken English.

May konting angas na’ko ngayon, oo. Pero noon aminado akong wala akong kalaban-laban.

Tinawagan ako noon ng isang call center representative, mga ilang taon na ang nakakaraan. Di ko alam kung paano napunta ang numero ko sa kanya e sa pagkakaalala ko, may kinalaman sa pagiging enhinyero ko ang mga ina-apply-an kong posisyon noon sa pamamagitan ng Jobstreet.

Magkahalong pagkasorpresa at alinlangan ang naramdaman ko nang bumungad sakin ang ma-slang na Ingles na tinig ng isang babae. Tuloy-tuloy lang ang pagsasalita niya, at dahil nga bano ako sa pagsasalita at pag-intindi sa paraan ng pag-Ingles nya ay wala akong naintindihan ni isa sa mga sinabi niya.

Paghinto nya ay napasagot nalang ako ng “yes” na may halong pagtataka sa mga nangyayari. Nahiya naman na akong ipaulit lahat ng mga sinabi niya.

Di ko na maalala ang eksaktong sagot nya na Ingles parin pero naintindihan ko ang punto ng sinabi nya: “sige tatawag nalang ulit kami” sabay baba ng telepono.

Siguro ay nainis siya sa nakausap niyang “bobo” at malamang e pinagpyestahan ako ng tawa at mura pagkatapos nun.

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

25 thoughts on “Bano in English”

            1. happy na birthday pa, hahahahaha yung kape mo brad panis na

              eto brad minsan bored, minsan nag-iisip ng kwento. nakakasawa rin mga essay, di man ako dalawin ng inspirasyon para makagawa ng tula kaya naisip kong gumawa ng kwento. ayun good luck sakin…

              musta naman si Aysa?

              Liked by 1 person

              1. eh brad what to do? wag mo munang lagyan ng gatas yung kape para di agad mapanis haha

                ha ha ha ok lang yan na kwento naman ang gawin mo..ako ay hindi makagawa…busy masyado ha ha ha…andaming kabulastugang nangyayari…hahaha

                Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s