Pinyapol jam

Isang araw ay nakita ko ang aking tito (na asawa ni tita) na patagong pinapapak ang jam gamit ang daliri na animoy kulangot na sinusundot sa loob ng garapon. Natawa nalang ako.

Advertisements
big_pineapple_jam-8952.jpg
Pineapple jam na gawa sa “pen at apple”. Ang larawan ay hango sa http://www.tarladalal.com

 

“Ano po yang ginagawa nyo tita?”

Nadatnan ko ang aking tita sa malaking hapag-kainan na may pinipigang pira-pirasong pinya gamit ang tela na parang pumipiga ng labada. Hindi lang kami ang andoon. Aligaga si lola sa paghuhugas ng mga pinagkainan sa lababo at ang isa ko pang tita ay nag-aayos ng mga panggatong para magsaing.

“Gumagawa ako ng pineapple jam,” aniya. “Kailangan pigain ng mabuti para mas masarap ang kalalabasan” pagtutuloy nya habang isinasalin sa isang garapon ang mga pinigang piraso ng pinya.

Palibhasa’y bata pa ako noon at takam na takam sa hinahandang pagkain sa aking harapan kung kaya ako ay nanatiling nakaupo na parang isang panauhin sa isang cooking show na naglalaway at atat na atat na matikman ang ginagawang pineapple jam. Ang bait naman ni tita sabi ko sa isip ko. Sigurado akong matutuwa lahat ng miyembro ng pamilya sa ginawa nya.

Nang matapos na ang preparasyon ay sinabi sa akin ni tita na kailangan panatilihin muna ito ng ilang araw sa garapon nang hindi ginagalaw…

Nagtaka ako kung bakit makalipas ang ilang araw ay wala parin akong nakikitang kumakain ng nasabing jam kung kaya hinanap ko sa ito sa kusina. Wala ni anino ng garapon.

“Tay asan na yung ginawa ni tita na pineapple jam?” tanong ko kay tatay.

“Aba malay ko? Baka tinago ng tita mo.”

Isang araw ay nakita ko ang aking tito (na asawa ni tita) na patagong pinapapak ang jam gamit ang daliri na animoy kulangot na sinusundot sa loob ng garapon. Natawa nalang ako.

Pero mas malakas ang tawa ni tatay nung i-kwento ko sa kanya.

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

2 thoughts on “Pinyapol jam”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s