Sinong Nanghudas Kay Hudas?

Di kaya nahudas lang si Hudas ng pagkakataon?

Advertisements
JUDAS-MONEY-BETRAYAL OF JESUS-24.JPG
“♫ Hudas!!! ♫ Baka madapaka! ♫ Hudas !!!” – Slapshock. Photo from http://www.chuckcrabbe.com

Hudas, Iskariote, traydor, taksil…

Malamang kung buhay pa si Hudas e siguradong malulungkot siyang malaman na ang kanyang pangalan ay sumisimbolo sa isang taksil, makasalanan sa lahat ng mga makasalanan, at kinamumuhian ng sangkatauhan. Ako rin siguradong hindi ako matutuwa.

Maalala ko tuloy ang isyu tungkol sa predestination. Totoo ba talagang may free will o sadyang nakatadhana na ang buhay ng tao? Dahil kung titignan sa ganung anggulo ay napaka hindi makatarungan para kay Hudas na sa dinami-dami ng taong pwedeng magkanulo kay Kristo at bakit siya pa.

Ganoon din malamang ang magiging hinaing ni Hitler, ni Marcos, ni Saddam Hussein, Emperador Nero, Emperador Shi Huangdi, at iba pang mga taong naharap sa sitwasyong nagsabi sa kanila ng “it’s tough, but somebody’s gotta do it.”

Bakit?

May mga bagay na hindi kakayaning unawain ng tao dahil sa limitasyon nito. Marahil ay ito rin ang dahilan kung bakit hindi ihinayag ng Panginoon lahat ng sagot sa lahat ng tanong meron sa mundo.

Ganun pa man ay naniniwala parin ako sa Kanyang kabutihan at sa Kanyang dakilang pag-ibig.

Di kaya nahudas lang si Hudas ng pagkakataon?

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

8 thoughts on “Sinong Nanghudas Kay Hudas?”

  1. Binagabag ako ng maraming tanong sa isip ko noon gaya ng ‘bakit kailangan likhain ng Diyos si satanas para lamang sumuway sa kanya?’ God is omniscient, alam nya ang lahat ng bagay, kung gayon, alam na ng Diyos na magiging masama si satanas bago pa man Nya likhain ito pero nilikha Niya pa rin. Kung hindi Nya sana nilikha si satanas, hindi sana matutukso si Eba para kainin ang bunga ng tree of life at hindi sana magiging makasalanan ang tao. Si satanas ang dahilan ng fall of man at kung bakit tayo naghihirap sa mundong ito.

    Then it shook my faith. Naging bitter ako sa Diyos. Yung pakiramdam na alam pala ng nanay mo mula ng nasa sinapupunan ka palang na may genetic illness ka like mental retardation, for example pero hinayaan ka pa rin niyang mabuhay at magdusa sa iyong sakit. Meron naman sya choice pero pinili ka pa rin niya mabuhay retarded at pagtawanan ng tao habang nabubuhay ka. Ang sakit isipin na alam pala ng Diyos na mapupunta si Hudas sa impyerno pero nilikha pa rin Niya si Hudas, si satanas at maging ako.

    Then lumipas ang mga araw na dala-dala ko bigat na yun sa puso ko. Hindi na ako makapagdasal at hindi na ako makapagsimba ng gaya ng dati. Hanggang napansin ko na I became like Lucifer. Rebel sa Diyos. Puot na puot sa Diyos. And I realized I have a choice, we all have a choice. Free will, kagaya ng sinabi mo ay binigay sa atin ng Diyos gaya ng pagbigay Niya sa mga anghel sa langit gaya ni satan. Meron akong choice whether I’ll continue being bitter to God or to love Him. Ganoon din si satan, meron siyang choice at ang pinili niya ay maging masama. Kasalanan ba ng Diyos na mapunta tayo sa hell kahit alam naman Niya ang paroroonan natin bago pa tayo ipanganak? No, because we choose our destiny and God is just. We will be judged based on our choices in life. Then, I choose to love Him again because I don’t want to like satan.

    Hudas has free will but he chose to betray Jesus. Why Judas pwede naman iba? But he did it. Gaya ng mga magnanakaw, mga rapist, mga terrorista, they choose what they want to be. If magiging masama akong tao na punong puno ng galit sa mundo, pwede kong pasabugin ang Luneta Park if nakagawa ako ng malakas na bomba pero hindi ko iyon pipiliing gawin dahil mas gusto ko ang kapayapaan sa mundo. But Hitler, Sadam Hussein, etc. did it. ISIS is doing it.

    Ipagpaumanhin mo kung sobrang haba ng comment ko. Nakicomment lang pero mas mahaba pa sa post. Lols. Nacarried away kasi ako sa topic mo. Peace!! 😉 🙂 Keep posting!

    Liked by 2 people

    1. Wowww, hahahahahahaha

      Feeling ko napaka-passionate mong tao krn, sa Dios at sa mga bagay na alam mong tama…

      Rereblog ko tong comment mo bwahahahaha

      Well, peace and love to you as well.. thanks for the lengthy discussion, you’ve driven your point perfectly well 🙂

      Liked by 1 person

      1. Yikes. Pinigilan ko pa yung sarili ko na pahabain yung comment. lols. Nahiya na ako kaya napaigsi ko pa ang comment na yan. 😉

        Yup, I love God with all my heart pero hindi ako santo. Minsan din akong napoot sa Diyos noong mga panahong naghahanap din ako ng mga sagot sa mga tanong ko. But I’ll tell you a secret (which will not be a secret anyway) God always answers. He already answered everything hundreds of years ago… and it all can be found in the Bible. But those who are willing to open their minds and hearts will understand fully. Oooppss.. Humahaba na naman. Hahaha.

        God bless you sir. I pray for your safety, health and wisdom. 😉

        Liked by 1 person

        1. Minsan din akong naghinanakit sa mga taong ang alam nila e sila yung mga anak ng DIos, ang mga tanging maliligtas. Well I wont judge you on that, God knows your heart (I believe you have a beautiful heart, I can feel your sincerity) and God knows what’s in my heart as well. Ang masasabi ko nalang ay give more love through action, kung mako-convert man ako ulit krn, ang makakaconvert lang sakin ay hindi yung magaling sa debate at sa diskusyon (I believe marami akong katulad sa stand kong to). Yun e yung taong nakikita ko ang Panginoon sa pang-araw araw na buhay nya. May kaunti lang akong mga kilalang ganun pero sana dumami pa sila. Show real love by empathy and action like how Christ did when He was here. Hindi isnab, hindi pinakamataas ang tingin sa sarili nila..

          Thanks ulit krn. I’m thankful that this resonated with you. May God bless you and your family as well…

          Liked by 1 person

          1. I can relate so much. Meron ako dating nasulat sa blog ko years ago tungkol sa quote ni Mohammad Ghandi. It says ‘I like your Christ but I don’t like your Christians, they are so unlike your Christ.’ I understand this by heart ngayon. Nawalan ako ng gana magsimba dati hindi dahil sa Diyos kundi sa mga taong nasa loob ng simbahan. Naalala ko noong high school ako, pinasulat kami ng essay na nagdedescribe ng mga tao sa loob ng simbahan at puro negative ang mga nasulat ko. Nabanggit ko ang mga adjectives na hypocrite, puting puti ang suot na damit panlabas pero itim na itim ang loob, mapagkunwaring mabuti, etc. Kahit ngayon, marami akong kilalang pastor man o mga kachurchmate na fake. Nilalait ako sa likod pero pinupuri ako sa harap. But what I’ve learned through the years of living my meaningless life is that humans will always frustrate us and break our hearts. Likas kasi tayong makasalanan. Kahit ako ay maka Diyos hindi mawawala sa puso ko ang magalit at mainis sa kapwa ko lalo na kung sinaktan ako pero God never gets tired of forgiving my sins so that I can forgive others.

            Sa totoo lang, napakasama kong tao pero pilit ako binabago ng Diyos araw-araw kahit mahirap. Ang taong nagsasabing banal siya at hindi nagkakasala ay sinungaling. I’ve learned to focus on God instead of other people’s sins because I myself also have sinned. Nagsisimba na ako ngayon hindi dahil sa pastor kundi dahil mabuti ang Diyos ko. Meron pa namang mangilan-ngilang huwarang tao na nagsusumikap maging mabuting anak ng Diyos at narinig ko sa kanya na sinabi niya, “Wag ka tumingin sa tao, matitisod ka. Sa Diyos ka tumingin at hindi ka Niya bibiguin.” Kudos for the rhyming! 😉

            Sorry ulit napahaba. Ginawa ko ng blog ko yung comment section mo. Thanks sir. God bless you more than you can imagine. 😉

            Liked by 1 person

            1. first time to nangyari dito sa blog ko actually hahaha.. but i’m glad it’s something very meaningful 🙂

              thanks for sharing krn kahit na alam mo, di ko expected na dito mo maishe-share yung mga sinasabi mo sakin ngayon dahil narin siguro sa nature ng mga nakalagay dito na minsan ay tungkol sa perversion at ego samantalang good vibes naman halos lahat ng posts mo. spiritual din naman ako di nga lang religious. at maaaring di ako yung tipong naniniwala sa Dios kung pagbabasehan lang yung mga pinagsusulat ko dito but I do.

              God has given me so much blessings back then up to now even if sometimes, well most of the times hard headed ako. and matagal narin ako naghahanap ng makakausap tungkol sa mga bagay na tulad ng pagkakaroon ng isang tunay na Dios pero yun nga gaya ng sabi mo tingin ko rin madalas sa kanila e mga banal na aso santong kabayo. but still thanks for the sincerity. I can discern a sincere comment so thank you for sharing what you believe.

              Ano pa ba masasabi ko hahahaha thanks and God bless ulit krn. keep safe always and more blessings to you also:-)

              Liked by 1 person

              1. Hahaha. No, I don’t judge your blog posts. Matagal na akong nagba-blog since 2009 at ang nature ng blog ko dati ay mas grabe pa sa pinakagrabeng post mo. Naniniwala naman akong spiritual ka base din sa nabasa ko dito. Nacarried away lang talaga ako magshare ng ideas pag spirituality, religion, Christianity, God na ang topic. I don’t judge people kahit ano pa sila. Kahit ano pa isulat mo, I won’t judge you. I in fact admire the way how you express yourself through writing. You’re smart and creative person. I don’t aim to convert people but to encourage them, to be a friend to them and that’s a different thing. 😉

                Thank you, thank you. All the best for you. 😉

                Liked by 1 person

                1. that’s a beautiful thing right there respecting people’s space… and thank you for the kind words. in this world, you’ll never know how much a kind word will ripple down the line so again thank you..

                  this has been very meaningful. God answers prayers, I’ll always remind myself of that. God bless krn

                  Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s