Cluttered: Mga Ipis sa Balon, Dating Barkada, Buhay Kolehiyo at Iba Pang Mga Sabog na Kwento Mula sa Enhinyerong Sabog Dahil sa Araw-Araw na Puyat

Patalastas 1: napanaginipan kong tinatawagan ko noon si Barbie Hsu sa telepono. “I love you” sabi ko daw tapos “I love you too” naman ang sagot niya. Di maipaliwanag na tuwa ang naramdaman ko noon…

Advertisements
meteor-garden.jpg
Kami daw (ehem!) Photo from http://www.jefusion.com

To The Cousins:

Uso pa noon ang Meteor Garden. Kahit “Oh baby baby baby, my baby baby” lang ang naiintindihan natin e tuloy parin ang pangga-gago natin sa lyrics habang ramdam na ramdam ko ang pagtipa sa aking gitara.

Oo minsan na tayong tinawag na F4 noon sa gitna ng maraming tao (hiyang-hiya tayo nun mga brad!) Ako daw si Xi Men, Watsiley si Teddy, si JR si “Galingzoo”, si Jason si Azǝ (pa-slang na aso), at si Bhel si San Cai. Kinulang ang characters ng F4 kaya di na nabinyagan si Chant, Rona at si Julius.

xxx

Patalastas 1: napanaginipan kong tinatawagan ko noon si Barbie Hsu sa telepono. “I love you” sabi ko daw tapos “I love you too” naman ang sagot niya. Di maipaliwanag na tuwa ang naramdaman ko noon…

xxx

Tang-ina, ang yayabang natin noon porket nasa College of Engineering tayo. Walang review review dahil tatambay lang tayo kina Puraw, iinom at magkukwentuhan ng buong hapon hanggang gabi. Di ko alam kung saan tayo kumukuha ng kwento na kahit abutin tayo ng umaga e di parin tayo nagsasawang magkwentuhan.

Pero minsan e naniniwala ako na may nagagawa rin ang yabang at lakas ng loob dahil naka-graduate tayo. Matinding hugutan lang ang kelangan…

xxx

well
“Gusto kong magswimming, sa balong malalim…♬ ” Photo from http://www.gov.ph

Kahit ngayon lang na-coin ang salitang hugot e humuhugot na kami noon pa – sa balon.

May balon sa boarding house namin dati. Walang takip ang balon kaya bukas ito sa lahat ng element. Dito kami kumukuha ng inumin, gagamitin sa pagluto, pampaligo at pambuhos ng jebs.

At syempre pati chaser! Minsan ay nakakita kami ng mga umiikot-ikot na la cucaracha doon sa loob ng balon. Kaya pala medyo malinamnam ang tubig 🙂

At hindi lang siguro iyon ang rason. Ngayon ko lang maalala habang isinusulat ko ito na nakasaad pala sa http://www.inspectapedia.com na ang minimum na layo dapat ng poso negro mula sa underground water source ay 15 meters. Shit kaya pala. Tantya ko sa layo ng poso negro mula sa balon ay limang metro lamang…

xxx

To The Cousins ulit:

Kaya laking pasalamat ko rin sa alak dahil kahit papano e nai-sterilize ang mga lalamunan at tiyan natin (habang iniihaw!)

Tang-inang alak na yan. Kaya ko mahal na mahal yan e, kasi yan ang nagpalapit sa barkada natin ng husto!

maxresdefault
Wala ng mas sasarap pa sa inuman with gitarahan with the barkada 🙂 Credit goes to the rightful owner of the photo.

Ako’y nagagalak na maging inyong gitarista tuwing drinking sessions natin. Kahit tanghaling tapat ok lang! Basta may isang kaserolang pansit kanton e ok sa alright na! Sa saliw ng mga kantang Peksman, Kanto, Byaheng Impyerno, Bakit ba ng Siakol; Harana (hanggang ngayon alam na alam ko parin ito) Halaga, Buloy, Minamahal Kita, Silvertoes, Buloy ng Parokya ni Edgar; Esem, Tsinelas, Banal na Aso, Senti ni Dong Abay at ng Yano, mga tugtog ni Lolita Carbon – tang-ina talaga! Sobrang nostalgic ko.

Naaalala ko rin nung nakatambay tayo sa burol sa labas ng school nung pinagbabato tayo ng mga gagong Carig boys.

Tang-ina nyo Cousins, miss ko na kayo!!!

xxx

Di ko parin alam kung bakit hanggang ngayon e ang sarap parin kantahin ng Pare Ko habang lango sa alak (paborito kong modern equivalent nito yung Halik ng Kamikazee). Habang umiinog ang ulo ko e kinakaskas ko ng todo ang gitara ko sabay sisigaw ng galing sa puso pagdating sa parteng –

“O, Diyos ko, ano ba naman ito, di ba TANG-INA!!! Nagmukha akong tanga!”

Bakit ba. Di ka poging Pilipino kung di mo nararamdaman to. Parte na ng buhay ng mga Pilipinong umiibig ang kantang Pare Ko.

Pero kung ikaw na nagbabasa ay napapa-emote habang nakikinig ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus (kamot ng ulo), wag na nga lang…

xxx

he-asked-she-said-yes-1080x675
In my case she texted back saying she loves me too, yippee ki-yay! 😀 Photo from http://www.brdiamonds.com

Memorable sa akin yung boarding house ko sa Carig dahil doon ako sinagot sa text ng ex gf ko na si Jelai. Nasa 2nd floor ako nun, sementong pader lang ang pagitan namin ng may-ari ng bahay. Nagtatatalon ako nun sa tuwa. Pagagalitan na sana ako nun ng land lady ko dahil umabot ang kalabog ng sementong sahig sa kanila. Pero nung kwinento ng mga kasama ko yung pagkakasagot sa akin ni Jelai e natawa nalang siya…

xxx

Patalastas 2: Sagot sa matinding ubo ba kamo? May instant na sagot dyan. Isang boteng bagoong lang katapat nyan! Todas ang tao pero todas din naman ang ubo…

xxx

Huling Patalastas: Instant sugal ba ang hanap mo pero wala kang baraha? Basta may scientific calculator siguradong solve ka! Press “On”, then “Shift”, then “.”, then “=” na paulit-ulit, lucky 9 na!

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s