Ang Backhoe

At may nakagawa na pala ng robot na nagiging bulldozer, isa ring heavy equipment. Sana kapag gumawa sila ng bagong installment ng Transformers e kasama na ang backhoe…

Advertisements

Kung may hinahangaan akong heavy equipment e eto yung backhoe. Mapa-hukayan, akyatan, patagan, at buhatan e very versatile itong mean machine na ‘to.

backhoe-2
Crawler-type backhoe while excavating and loading dirt. Photo from http://www.pinterest.com

 

Ang larawan sa taas ay isang halimbawa ng crawler-type backhoe. Crawler dahil de-kadena. May kakayahan itong umakyat ng mataas na tumpok ng lupa maging sa putikan. At kapag nahihirapan itong umakyat ay ginagamit nito ang kanyang bucket o yung kanyang mismong pambungkal upang kumapit habang umaabante ang kanyang de-kadenang mga paa.

wheeled-type-backhoe-with-breaker
Wheeled-type backhoe with breaker. Photo from http://www.olx.ph

 

Ito naman ay isang wheeled-type backhoe dahil imbes na kadena ay gulong ang nakakabit. Ginagamit ito madalas sa tuwing nagsasa-ayos sila ng mga kalasada. Gulong, kasi nakakasira ng mga sementadong daan ang mga bakal na paa. Hindi lang bucket ang kinakabit dito, pwede rin itong kabitan ng breaker na ginagamit pambasag ng mga sira o lumang sementadong kalsada. Kinakabit din sa mga crawler type ang breaker. Ginamit namin ito nang noong naghuhukay kami ng lupang adobe. Dahil matigas at nabubungi ang mga ngipin ng bucket ay kailangang gamitan ng breaker upang basagin sa maliliit na tipak ang matigas na lupa.

Ngayon, kung bakit ko naisulat ang tungkol sa backhoe ay trip ko lang. Bukod dito ay nais ko lang ipakilala ang isa sa mga “big toys for the big boys”. At kung may maire-relate ako sa totoong buhay tungkol dito ay marahil ang pagiging intelehente nito at ang kakayanan nitong makapag-adjust sa kung anong nararapat sa isang sitwasyon gaya ng tao.

bulldozer
Bulldozer turning to a robot. Cool! http://www.cliffbee.com

 

At may nakagawa na pala ng robot na nagiging bulldozer, isa ring heavy equipment. Sana kapag gumawa sila ng bagong installment ng Transformers e kasama na ang backhoe

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

7 thoughts on “Ang Backhoe”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s