Kung Anu-Anong Kauululan sa Loob at Labas ng UV Express: Ang Mahaba-haba-habang Ikaapat na Talata

wwwDOTgoodwpDOTcom.jpg
Float like a butterfuly, land a scrap! Photo from http://www.goodwp.com

Hindi lahat ng mga byahe ko sa bus at UV ay nakakapagsulat ako ng kwento o nakakapagpalabas ng mga posibleng thesis title. May mga pagkakataon ding napapatigil ako sa pag-iiisip at napapabulong ng “Dios ko kaawaan mo po kami!”

Ito ay sa tuwing nakakalimot ang driver na ang kanyang minamanehong bus o UV express ay hindi dapat pinapalipad at ang gulong ay ginawa upang sumayad sa lupa! Di ko alam kung natatae na sila kaya sila nagmamadali o dahil may pustahan sila ni Kamatayan kung sino ang mauuna sa impyerno.

Lalo na kapag paliko-liko at palusong ang daan.

And kalsada sa pinanggagalingan ko papuntang Cubao at pauwi ay parang Cagayan Valley road sa may bandang Nueva Vizcaya. May kakiputan ang daan, bangin ang sasalo sa isang gilid at ang mga kurbada ay pamatay – parehas pagmamalabis at literal. Minsan sa mga natsa-tsambahan ko, kahit gabi na at maulan e para kaming nasa kalagitnaan ng isang karera sa Formula 1. Mistula kaming itina-tampal tampal sa loob ng UV at halos tumalsik sa pagkaka-upo. Kahit anong lupit pa ng mga linyang naiisip ko o kahit anong ganda ng pinapanood kong pelikula sa cellphone ay nawawala ako sa konsentrasyon at pansamantala akong titigil para manalangin.

At di rin ako makatulog sa takot kong pagdilat ko ay isang nakangising San Pedro at ang kanyang putak ng putak na manok na ang babati sa akin ng “Welcome to the heavenly cockpit arena. Sa pula ka ba o sa puti?”

Ayaw ko munang paglamayan at kawawa naman ang aking magandang asawa (na kamukha ni Cate Blanchett) at maliliit pa ang mga pogi kong anak na nagmana sakin.

wwwDOTwho2DOTcom.jpg
Hi honey! Photo from http://www.who2.com

Tsaka byaheng Cubao/byahe pauwi sa amin ang sinakyan ko at hindi ako pumila sa pilahan ng byaheng pa-impyerno…

xxx

Hindi lang madulas na kalsada at biglaang pagkawala ng preno ang kinakatakutan ko. Natatakot din ako sa kung anong pwedeng gawin ng kapwa ko tao sa driver at sa aming mga pasahero.

Gumimik kami nun  kasama ang boss ko at mga kaopisina sa may bandang Roxas Boulevard. Lasing na kami nang umuwi. Sa Edsa kami dumaan, northbound. Nasa harap ako at katabi ko ang boss ko na syang nagda-drive.

Di na masikip ang kalsada habang binabagtas namin ang Edsa mga bandang alas-dose. Nung may nakamotor na akmang sisingitan kami ng lane ay napamura ang boss ko, nagbukas ng bintana sabay sigaw ng:

“Ano?! Gago ka a!!!”

Sabay kabig ng konti pakanan na akmang babanggain ang nakamotor.

Ballistic.

Buti nalang at nakaiwas ang nakamotor at di na nag-react.

Pigil na pigil ang paghinga ko. Natatakot ako habang iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari sakaling may dalang baril yung nakamotor sabay bunot at kalabit ng gatilyo.

Naisip ko ang aking mag-ina. Beybing-baby pa ang panganay ko nun. Ayaw kong dumagdag sa statistics ng kung ano ang nagagawa ng putang-inang alak na yan kapag dumidiretso sa ulo at hindi sa tyan lalo at nasa kalsada.

xxx

wwwDOTsuperunleadedDOTcom.jpg
“Want a piece of me you piece o’ shit!” Photo from http://www.superunleaded.com

Ang mga ala-alang ito ang tumatakbo sa utak ko nung isang araw na nakasakay ako ng UV na may biyaheng Pasig-Quiapo.

Di ko maintindihan kung pakiramdam ng driver ng pulang Vios e nakikipag-karera kami sa kanya o baka na-outside da kulambo siya ng misis nya nang nakaraang gabi.

Nagbukas ng bintana ang driver ng pulang kotse at bagamat di namin siya naririnig ay siguradong hindi blessings ang lumalabas sa bibig nya. Kabig pakanan, kabig pakaliwa siya sa pagtatangka niyang patigilin ang sinasakyan namin. Iwas ng iwas naman si kuya driver. Nung malapit na kami sa V. Mapa LRT Line 2 station ay huminto sa di kalayuan sa harap namin yung pulang Vios. Tumigil din kami ng mga ilang metro, saktong layo lang sa aburidong driver. Siguro nung nakita niyang di siya papatulan ni kuya driver ay umalis narin siya.

Nang dalawa nalang kami ni kuya driver at malapit na kami sa Quiapo ay kinausap niya ako.

“Akala nya nakikipag-unahan ako sa kanya e,” sabi niya sa akin.

Kinuwento ko naman yung ballistic kong boss at pagkatapos nun at parehas kaming iiling-iling at naubusan na ng sasabihin…

Di gaanong katagalan matapos nun ay sumakay ulit ako ng papunta Quiapo galing Pasig. Saktong pamasahe na 40 pesos ang inabot ko, kaya takang taka ako nung inabot sa akin ang sukli kong limampiso. Nampucha, pag sinuswerte ka nga naman o!

Di ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil baka mainggit yung ibang mga pasahero kaya pinili kong tumahimik nalang. Pamilyar yung driver nang tinignan ko pero di ako sigurado kung si kuya driver nga yon. Pero parang siya.

Pakiramdam ko ay paraan niya yun ng pagpapasalamat sakin sa mga sinabi ko.

Natuwa ako hindi lang dahil may 12.5% discount ako kahit di pa ako senior citizen. Natuwa ako kasi naipabatid ko ang walang kapararakang pakikipagmatigasan sa mga walang modo na nasa likod ng manibela; na mas mahalaga ang sarili at pamilya kaysa sa bansag na “kilabot ng kalsada”; na walang sinasanto ang bala maging ikaw man ay tama o mali.

Sabi nga ni Binoy at ni Da King: “Maging sino ka man, isang bala ka lang!”

xxx

Ayaw kong makakatabi ang malikot. Yung maya’t-maya e gagalaw at masasagi ka lalo na kung sobra kang inaantok. Pero gaya ng sabi ko ay ok lang kung chics.

May nakatabi ako minsan, si ate. Magkaharap na apatan ang inuupuan namin at siya ang nasa pinaka loob, sunod ako at may dalawa pang iba sa hilera namin. Dahil ok sa alright makapreno at umapak ng silinyador ang driver e di maiwasang maitulak ko si ate. Kapag nangyayari to e gagalaw-galaw din siya na para bang tinutulak nya ako pabalik. Kaya ang ginagawa ko naman kapag nararamdaman kong maitutulak ko siya ay pinipigilan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko sa handle bar sa taas habang tumutukod naman ang mga paa ko. Nakakapagod at di ako maka-concentrate matulog.

At dahil nangyari to ng paulit-ulit-ulit e hinintay kong awayin ako ni ate. Di ko naman siya aawayin kung sakali. Out of control ko yun e.

Sasabihin ko lang naman na may scientific at mathematical explanation ang pag-usog-usog namin ayon sa law of inertia ni Sir Isaac Newton: Force = mass*acceleration. May unbalanced force dahil sa pagpreno at pagbilis ng takbo. Dahil dun ay naga-accelerate/decelerate kami. At kung gaano kalaki ang pagbabago ng acceleration na yun ay depende sa bilis ng takbo (e.g. naka syento beinte ka tapos bigla mong inapakan ang preno. Ngayon isipin mo kung tumatakbo ka lang ng 1 kph at pumreno ka kung ano ang mangyayari). Yung mass ay yung bigat ko at nung tatlo kong katabi. Ngayon i-multiply mo yung bigat naming tatlo sa deceleration at makukuha mo yung force, yung lakas ng pwersa na tutulak sa kanya.

Sayang at di ako inaway ni ate…

xxx

Ang pinaka-madugo ko na sigurong nasaksihan sa kalsada ay nang naka-tricycle ako pauwi samin.

Nakapila na ako nun sa terminal ng magkaroon ng usapan na may nagbarilan sa dadaanan namin. Tricycle driver daw ang biktima. At dahil tuloy parin naman ang byahe ay naisip kong malamang nakaresponde kaagad ang mga pulis na nasa malapit lang namin dahil wala pang isang minuto ay makakarating na sila sa crime scene.

Nakasakay na ako nun sa tricycle nang napansin namin na may nakasunod sa amin na tricycle lulan ang ilang barangay tanod. Nagbigay daan naman ang driver ng sinasakyan ko at sinundan namin sila.

Narating namin ang crime scene at ang mga naunang rumesponde ay ang mga sinundan naming mga tanod. Intersection siya, isang paderetso at isang pakaliwang kalsada at sa gitna nito ay may guardhouse. Saktong pagkaliwa namin ay andun ang nakahandusay na bangkay. Nakatihaya at naliligo sa kanyang sariling dugo at ang kanyang tricycle ay ilang hakbang lang mula sa kanya. Lahat ng ito kitang-kita ko ng malapitan.

Shit, tang-ina talaga. Wala akong ibang nasabi kundi yan. Shit talaga.

Sabi nila ay nagka-onsehan daw sa droga. Di pa naman eleksyon nun kaya malamang di yon kasali sa malawakang kampanya ngayon laban sa bawal na gamot. Naisip ko ang naiwan nyang (mga) anak at asawa, kung meron man.

Tang-ina talaga.

xxx

Nga pala, bakit nagka-onsehan ang tawag sa nagkalokohan? Ang  unang pumasok sa isip ko e yung larong lucky 9 na pagdating ng sampu e bokya na yun. Pero kulang parin ng isa.

Tsaka bakit hindi sampuan o tresehan?

xxx

Reklamador pala ako dulot ng aking mga nakakainis na byahe. Sa tuwing bumibyahe pala ako e wala na akong maisip na positibo dito tulad ng pagpapasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay buhay, pagkakataon na bumuo ng pamilya at ng magandang kinabukasan, makabyahe, at pagkakataong makapagsulat at magkwento.

Naisip kong sa pagrereklamo ko ay isa akong pasanin. Dead weight. Hindi ako nakakatulong at imbes na isa ako sa mga nagbibigay soluson ay ako pa ang nagdudulot ng dagdag na problema.

Ano nga ba ang pwede kong gawin para maibsan ang trapik sa Edsa? Ano nga ba ang maiaalay kong solusyon?

  1. Hindi muna ako bibili ng sarili kong sasakyan. Una ay dahil wala pa akong kakayanan para bumili. Hindi muna ako dadagdag sa mga sinisising private vehicles na nagpapasikip sa mga kalsada. Aasa muna ako sa PUVs gaya ng bus at UV express.
  1. Makikisiksik nalang muna ako sa MRT at LRT. Sana nga lang e magsingluwag ng byahe ang MRT at LRT Line 1 sa LRT Line 2. At sana ay masolusyunan na ang kakulangan ng mga bagon at problema sa enerhiya na nagpapatakbo sa mga ‘to.

May tampo nga lang ako sa MRT.

Nung nakaraan ay kinailangan kong umuwi ng maaga dahil baka maospital ang bunso ko. Alas tres nun, patay ang oras kaya nagdesisyon akong mag-MRT. Sa Ayala station ako nun, northbound. Siguro mga 10-15 minuto rin ang inantay ko bago ako makasakay. Nang mga unang segundong nakasakay ako ay umaandar  naman ito ng maayos. Di bale ng siksikan makarating lang ako ng maaga, sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos nito ay para ng kinakadyot ang tren. Hinto, andar, hinto, andar. Paulit-ulit na sinasabi ng operator ang mga salitang pasensya. Walanjo, ni hindi pa nga nakarating sa susunod na istasyon!

Pagkaraan ng ilan pang sandali ng hinto-andar-hinto ay naigapang naman kami inch-by-inch hanggang Buendia station at pagkahinto ay sinabi na ng train operator na depektibo na ang tren. Nung una ay di ko naintindihan ang ibig sabihin nun kaya tinanong ko sa katabi ko at ang sabi niya ay bababa na kami.

Hijo de putput!

Imbes na kinse minutos lang ang byahe hanggang Cubao e inabot ako ng isa’t kalahating oras sa bus. Tang-ina, tang-ina, tang-ina talaga!!!

  1. Ang natira ko nalang palang choice e bumili ng condo malapit sa trabaho ko. Ito ang una kong gagawin kung mag-biglang yaman ako. Dadalhin ko doon ang mag-iina ko.

Pero mas mahal pa ang condo kesa sasakyan at sa ngayon ay di ko kayang busugin ang kaban ng kayamanan ng mga developer. Isa lamang akong enhinyerong commuter na nagsusumikap umunlad sa buhay.

May pagpipilian pa ba ako?

Mukhang wala pa akong magagawa kundi bunuin parin ang trapiko araw-araw hanggang dumating ang pahahon na makakabili na ako ng sarili kong sasakyan o condo o kapag naayos na ang MRT.

Nakakainis lang isipin na sa pag-alis ko ng bahay araw-araw e tulog pa ang mag-iina ko at pagdating ko sa gabi e tulog NA sila. Hinihiling ko nalang na balang araw, paglaki nila ay sana maintindihan nila ang kanilang ama.

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

7 thoughts on “Kung Anu-Anong Kauululan sa Loob at Labas ng UV Express: Ang Mahaba-haba-habang Ikaapat na Talata”

    1. oo nga brad sayang di nya ko inaway. o kung ayaw nya ng paliwanag ko e sasabihin ko nalang sana na magpalit nalang kami ng pwesto para maintindihan nya yung nirereklamo nya 😀

      ganun ata talaga brad kapag matatanda audience mo. pakiramdam nila pinapakinggan ko lahat ng mga sinasabi nila di gaya ng kabataan.. birds of the same feather they fly away hahahahaha

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s