Kumpleto na ang araw ko, salamat sa pang-aaway mo

Iba ang atmosphere sa bahay kapag meron kaming di pagkakaunawaan: katahimikan. Walang matataas na boses. Walang lumilipad na kaldero, kaserola, at plato. Walang sapilitang pagpapaliwanag kundi mga makahulugan at nakakamatay na titig lang.

Advertisements
wwwDOT123rfDOTcom2jpg.jpg
“What? Say that again!” Photo from http://www.123rf.com

Napapangiti na natatawa si misis sa tuwing kinakanta ko to sa bahay habang pinanonood ko yung music video o kahit hawak-hawak ko ang gitara habang tumitipa. Lakas niyang maka-trip, sabay tatanungin ako ng “totoo?”

Buti nalang at di kami umaabot sa puntong nagsisigawan kami parehas kapag medyo nagkakalabuan kami.

Iba ang atmosphere sa bahay kapag meron kaming di pagkakaunawaan: katahimikan. Walang matataas na boses. Walang lumilipad na kaldero, kaserola, at plato. Walang sapilitang pagpapaliwanag kundi mga makahulugan at nakakamatay na titig lang.

Bagama’t di nagiging no-man’s land sa bahay tuwing nagme-make war kami e sapul na sapul parin ako sa tugtog at lyrics ng kantang to. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong ilabas ang panggulat na joke ko tungkol dito. Nai-imagine ko ang sarili kong nakikipag-inuman sa mga kaibigan o kapitbahay habang nagbi-videoke. Bago ko kantahin ang Martyr Nyebera e sasabihan ko muna ang aking mga kainuman na “sige sumabay yung nakaka-relate!”

Astig yung version nito sa Tower of Doom, eto yung version na pinapanood ko. Di ko maipaliwanag pero naiinggit ako kay Jay habang siya’y naghe-headstand, sumasayaw at sumisigaw habang kinakanta nya to. Siguro e personalized sa kanya yung lyrics kaya sobrang nai-internalize nya. Nakaka-inggit na hinahayaan niyang dalhin siya ng tugtog, magpaka-aning aning, at magsasayaw na parang kanya ang mundo at wala siyang paki-alam sa mga nanonood sa kanya.

Tang-ina…

Umiral na naman ang pagiging frustrated rocker ko. Magkantahan na nga lang tayo!

Sa mga nakakarelate, sabayan nyo ko. Waitress na sexy, alak pa tapos balik ka dito sa kalong ko!!!

Martyr Nyebera

by: Kamikazee (taken from lyricsmode.com)

Kinokompleto mo ang araw ko
Sa tuwing inaaway mo
Paggising sa umaga
Mukha mo ang nakita
Wala pang nagawa nakasimangot na
At pagsapit ng gabi tampo lalong lumalaki
Ang gusto ko lambingan
Ngunit may unan na namamagitan

(Chorus)
Ang almusal ay sigawan
Ang Hapunan natin ay tampuhan
Ang Mirienda pagdududa

Pero mahal kita
Wala ng hahanapin pang iba
Handa kong magtiis
Kahit na
Away, away, away na to…

Nahuli lang ng ilang minuto
Di na kinibo
Natrapik lang sa kanto
Di naman gwapo
Naisip mo agad nan chiks ako
Simple lang naman ang pinagmulan
Pinahaba ang usapan
Di naman kailangan
Mahabang away na naman

(Chorus)
Ang almusal ay sigawan
Ang Hapunan natin ay tampuhan
Ang Mirienda pagdududa

Pero mahal kita
Wala ng hahanapin pang iba
Handa kong magtiis
Kahit na
Away, away, away na to…

(Girl)
Kahit na sabihin na naliligo ka sa sampal
Di mo masasabi na hindi kita minamahal
Ang dami mong babae
Wala ka pang trabaho
Ngunit kahit ganun ay nandito lang ako
Nandito lang ako

(Chorus)
Ang almusal ay sigawan
Ang Hapunan natin ay tampuhan
Ang Mirienda pagdududa

Pero mahal kita
Wala ng hahanapin pang iba
Handa kong magtiis
Kahit na
Away, away, away na to…
Away, away, away na to…
Away, away, away na to…

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

10 thoughts on “Kumpleto na ang araw ko, salamat sa pang-aaway mo”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s