Para kanino ka nagsusulat?

Pero minsan, madalas pala, ay nararamdaman kong wala akong kausap. Walang nakakaintindi at walang may pakialam. Siguro ay wala talaga akong katribo o di kaya’y kailangan ko pang magsulat ng magsulat hanggang makita ko sila.

Advertisements
why-write-for-haters
Bakit nga ba? Photo from http://www.samirbharadwaj.com

Sa tuwing nakakabasa ako ng mga sulating nakakapukaw ng aking atensyon, bukod sa humahanga ako sa kanilang angking talento e naiinggit ako. Ang galing ng pagkakasulat at ang lupit ng nagsulat!

Pakiramdam ko’y kinakausap na naman nila ang kanilang mga katribo, ang kanilang mga kasamahan, at ang kani-kanilang mga club samantalang ako e bumubulong nanaman sa hangin.

Doon ko rin naiisip habang naiinggit ako kung para saan at para kanino nga ba ako nagsusulat.

Una ay para sa sarili ko – given na yun. Mas lalo akong mauulul kapag di ako nakakapagsulat at di ko makikilala ng lubos ang sarili ko hangga’t di ko nababasa ang nakasulat na laman ng utak ko.

Pero para kanino nga ba talaga ako nagsusulat? Sa kabataan kaya?

Very poor at sobrang limitado ng alam ko tungkol sa pop culture. Iba na talaga ang panahon ngayon bukod sa (gulp!) tumatanda na ako. Kung di ko makuha ang atensyon ng mga kabataan e sino ang babasa ng mga sinusulat ko?

Pansin ko, mas nakukuha ko ang atensyon ng mga matatanda. Ewan ko kung bakit. Kapag nginingitian ko yung magandang chicks di siya ngumingiti di tulad nung matandang kahera sa bayad center (e hindi naman titig manyakis ang default na tingin ko!)

Mga mature audiences nga ba ang makakaunawa sa akin? Sila ba ang naiisip ko habang nagtatae ang ballpen ko?

Ang alam ko e nagsusulat ako para sa:

  1. Mga matatanda at mga bata na sa tingin nila e weird sila at di sila naiintindihan ng mundo;
  2. Mga nagmumukmok sa sulok habang ang lahat ay nagkakasiyahan sa isang social gathering;
  3. Mga na-bully nung bata sila at itinaga sa bato at sa sarili na irerespeto din sila ng mga gagong ito balang araw;
  4. Sa mga pilit nagpapatawa pero sinusuklian sila ng nakaririnding katahimikan;
  5. Sa mga tumatawa sa isang joke samantalang ang karamihan ng mga kasama nila e deadma lang;
  6. Sa mga parehas kong napagkakamalang manyakis kahit nakatingin lang naman;
  7. Sa mga rakista at feeling rakista na tumutungo-tungo habang naka-headset at nakikinig sa Limp Bizkit, Slapshock, Greyhoundz at Kamikazee.
  8. Sa mga nasabi ring mga rakistang nagpapakita ng soft side sa pakikinig nila ng mga love songs at country music;
  9. Sa mga rakistang ayaw sa hip hop (liban sa mga tugtog ni Francis M.) at mga jejemon;
  10. Sa mga rakistang ayaw sa pop music pero mahilig din sa alternative music;
  11. Sa mga nagtataka kung bakit patok sa iba ang usapin tungkol sa alaga nilang shih tzu;
  12. Sa mga tulad kong napaliligiran ng mga “godly” people na gigil na gigil kaming baguhin dahil “bad” daw kami at makasalanan di tulad nilang mga “good guys”;
  13. Sa mga madalas mapalo ng mga nanay nila nung bata pa sila dahil sa kakulitan;
  14. Sa mga nang-aagaw ng laruan ng iba dahil sa inggit at dahil hindi sila maibili ng nanay at tatay nila;
  15. Sa walang pambili ng smart phone kaya nagsusulat nalang ng tungkol sa kawalan nila ng pambili ng smart phone;
  16. Sa mga yamot, nabu-bwisit, at natutuwa sa mahabang trapik sa Edsa;
  17. Sa mga mahilig magmura;
  18. Sa mga tulad kong promdi prabins na nasa Maynila ngayon para hanapin ang kapalaran;
  19. Sa mga taong takang-taka kung bakit ang weird nila mag-isip;
  20. Sa mga gaya ko na naghahangad na sana’y nakapagtapos din sila sa UP, Ateneo, La Salle, UST, Mapua, at PUP pero sa isang state U nagtapos dahil dun lang kayang pag-aralin ng magulang at hanggang dun lang ang kaya ng utak;
  21. Sa mga polarizing people na “it’s either you love them or you hate them”;
  22. Sa mga saling-pusa lang tuwing naglalaro ang ibang mga bata;
  23. Sa mga nag-iisip na sana e gumanti nalang sila ng suntok sa mga gagong nam-bully sa kanila noon;
  24. Sa mga di nalang gumanti dahil mas takot silang ipatawag ang kanilang mga magulang sa principal’s office;
  25. Sa mga anak ng OFW na naging katulong sa Hong Kong at sa iba pang bansa mapag-aral lang ang mga anak;
  26. Sa mga anak ng magsasaka;
  27. Sa mga naranasan ang trabaho sa bukid at kinapitan ng linta sa hita;
  28. Sa mga nao-obsess sa trabaho at sa mga natututunan nila;
  29. Sa mga loners at introverts, at sa mga magagaling lumaklak ng beer dahil ang motto nila sa buhay ay “in heaven there is no beer, that’s why we drink a lot here;”
  30. At sa mga nagnanais na maging structural engineers na nag-iisip kung paano pa sila gagaling sa kanilang larangang pinili.

Pero minsan, madalas pala, ay nararamdaman kong wala akong kausap. Walang nakakaintindi at walang may pakialam. Siguro ay wala talaga akong katribo o di kaya’y kailangan ko pang magsulat ng magsulat hanggang makita ko sila.

Kaya para sayong weirdo, sayong di nila maintindihan, at sayong wala silang pakialam, para sayo e I will shut the fuck up and just write!

Ikaw, para kanino ka nagsusulat?

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

17 thoughts on “Para kanino ka nagsusulat?”

            1. hahahahaha buti nalang pala di ka nagtrabaho sa bukid brad…

              at dahil sinabi mo na ayaw mo ng mga ganyang nilalang e parang na-inspire tuloy ako gumawa ng kwento tungkol sa buhay bukid. with pictures of the creatures bwahahahahahahaha

              Liked by 1 person

              1. Bwahahahahahahah sige idedicate mo sakin yan…lalo ng yung mga eerrrrieee pictures bwahahaha…. ayoko sa bukid brad…magkokonstruksyon na lang ako kesa makapitan ng linta bwahahahahaa

                Liked by 1 person

                1. sabi mo yan a, sige brad ipi-pingback kita bwahahahahah

                  pero alam mo katapat ng mga linta brad? asin. sa probinsya nung bata kami tinatanggal namin yung mga kumakapit sa kalabaw na ganun at pagtapos bubudburan namin ng asin kusa siyang magdudugo kahit di siya hiwain…

                  Liked by 1 person

                  1. yaaaak ang harsh hahahahhaahah diba yung mga bulate din nilalagyan ng asin para maghingalo at mamatay. so yun pala yung kryptonite nila bwahahahahahaha

                    emerged…I’m like…gonna go to the bukid with lots of asin… wahahahah

                    Liked by 1 person

    1. oo krn, naging ako yan once in my life, pira-piraso yan ng pagkatao ko: nang-aagaw ng laruan kasi naiinggit, na-bully, nagtrabaho sa bukid, anak ng OFW, etc.. kaya sila yung naiisip ko habang nagsusulat ako…

      does anything in the list ring a bell? 🙂

      Like

      1. I know. Ganun naman talaga. We write for anyone who thinks and feels the same thing as we do. So basically the kind of reader you attract is someone just like you. 😉

        Liked by 1 person

        1. yep. thanks for understanding krn.

          funny thing is we’re all unique, so i may just be writing for myself knowing there’s only one me in this lifetime. but i really do wish to make a connection to someone who thinks in some same way that i do – fingers crossed 😀

          Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s