Kung Anu-Anong Kauululan sa Loob at Labas ng UV Express III: EDSA Drift

At yaman din lang na gustong-gusto mong magsuot ng mga damit na “does not leave much to the imagination,” sige ganito nalang: we’ll let you be a woman and you’ll let us be a man. Deal?

Advertisements
wwwDOTcarmudiDOTcomDOTph.jpg
P for Parking Shit! Photo from http://www.carmud.com.ph

Oh ha, parang The Fast and the Furious lang! Ang problema ay hindi nagiging fast ang byahe ko at lalo naman akong nagiging furious sa sitwasyon ng aking pag-commute habang tumatagal.

Tang-ina ang corny.

Tulad mo ay hindi rin ako natutuwa. Isang taon na, pucha isang taon na mahigit pero di pa rin ako maka-adjust sa tang-inang byahe na yan.

Sa usapin naman ng pag-adjust at pag-adapt, maraming taong gagawin ang lahat para lang maka-adjust. Mga kasinungalingan na pilit paniniwalaan maka move on lang. Di mo naman sila masisisi at buhay nila yan. Pero di dahil ikaw mismo ang nagsabi sa sarili mo e ibig sabihin katotohanan lahat yan. Dahil kung ang pundasyon ng paniniwala mo ay mali, e you’re standing on unstable ground that’s prone to liquefaction. In lay man’s term e quicksand at sa tagalog naman e kumunoy (teka, anong kinalaman nito sa byahe?)

Balik tayo sa byahe.

Marami ring rude na mga pasahero sa bus lalo na yung mga nakasakay sa ordinary buses. Maalala ko nung isang umagang byahe ko. Rush hour. Crame ibabaw kami dapat pero sinenyasan ng pulis HPG na kumanan kami kaya imbes na sa flyover, sa ilalim kami dumaan. Pucha syempre gapang, rush hour e.

“Anu ba yan late na tayo,” at “nakow!!” ang mga salitang maririnig sa background. Tapos may boses na nangibabaw at sabi nya:

“Magmaneho lang ang alam mo wala kang diskarte!”

Sinagot naman siya ng driver ng “tumigil ka nga dyan! Nakita mo na ngang sinenyasan ako ng pulis.”

Rude.

Masama na ako kung masama pero tingin ko ito ay dahil karamihan ng mga sumasakay sa mga ordinary bus e yung mga di nakapag-aral at yung mga parehas kong lumaki sa squatter. At karamihan din  sa mga nabanggit ko e ginagawang rason ang kahirapan nila sa pagiging rude nila. Kasi dukha sila, mahirap pa sa daga. Kasi oppressed sila.

Utang na loob lumayas na ang mga Kastila! Di na kasalanan ng iba yan kung bakit kayo nananatiling alipin ng lipunang sa tingin nyo e siyang umaapi sa inyo!

wwwDOTenDOTwikipediaDOTcom.jpg
Walang umaapi sa inyo. Kayo ang umaapi sa mga sarili nyo! Photo from http://www.en.wikipedia.com

Yan ang madalas sabihin ng asawa ko sakin na ganyang klase ang mentalidad ng karamihan sa mga Pilipino. Di tayo umuunlad kasi pakiramdam natin e oppressed parin tayo at nakasalalay lang sa mga kamay ni Digong ang pag-unlad at pag-ganda ng buhay. Gusto natin ng pagbabago pero ayaw naman nating baguhin ang mga sarili natin!

Ano tayo gago?! O tayo na o it’s complicated parin?! Teka, bakit ba ako galit?!

Hindi ka biktima lang dito. Isa ka rin sa mga suspect kaya utang na loob wag mong isisi ang lahat ng iyan sa iba! May parte ka rin sa mga nangyari! Wag kang maghugas ng kamay pati ng kilikili mo nang parang wala kang kasalanan dahil hindi ikaw si Pilato! Naiintindihan mo ba o ayaw mo lang talagang intindihin?!

Teka, tang-ina bakit ba galit na galit parin ako?!!

wwwDOTjust4kidsmagazineDOTcom
“Ang sakit na ng leeg ko at di ko parin mabasa yung kamay ko!” Photo from http://www.just4kidsmagazine.com

Ok kalma ka lang Angmamangenhinyero at nababawasan ang pagka-gwapo mo…

Bwisit madalas ang byahe pero maraming mga magagandang ideya ang nabigyang buhay ng dahil sa hinayupak na byahe na yan.

wwwDOTepicreadsDOTcom
“Ay shit! Tang-inang lubak yan!!” Photo from http://www.epicreads.com

Umaga nun, pa-southbound ako ng sinulat ko ang Standing Ovation habang nakikita kong nakikipagsiksikan si miss maganda. Nakapwesto ako sa bandang likuran kaya sa notebook ko siya naisulat.

Yung Trapik sa EDSA, gabi na nun at medyo maulan. Habang mura ako ng mura sa isip ko sinasalo naman ng notebook ko. Syempre ang pangit ng pagkakasulat ko (although pangit naman talaga ako magsulat) maalog yung bus habang sinusulat ko yun.

Naiipit naman ako ng matinding trapik sa UV sa may bandang (toot) dahil sa mga nakahambalang na truck at mga estudyante ng maisulat ko ang Shut the Fuck Up and Just Fuckin’ Do It!!! Yamot na yamot ako nun kaya imbes na matulog at mainis e nakinig nalang ako ng podcast. Tyempo naman na applicable sakin nung panahon na yun yung topic kaya ayun.

At yung Sino ang Nagpapatawa sa Nagpapatawa? na habang sinusulat ko e takang-taka yung katabi ko kung ano yung ginagawa ko habang umaandar ang bus. What the heck! Tinamaan ako ng inspirasyon e at the most unholy time. Ewan ko ba pero ganun na ata tayong mga writers, di na makapaghintay maisulat yung bigla-biglang dumadating na ideya, parang yung sobra ka ng natatae at alam mong kelangan mo ng umupo sa trono at magbangko or else…

Bukod pa dyan syempre yung mga iniisip ko sa nangyari sa trabaho ko. Technical soliloquys. At yung mga subjects ko sa grad school. Yun ang paraan at interpretation ko ng good and quality time sa sarili ko. Di mo na itatanong pero ewan ko rin kung bakit mahilig akong magbasa ng mga technical na mga sulatin tungkol sa propesyon ko o di kaya e magsulat ng mga pumapasok sa utak kong mga kagaguhan. Bago ako umupo ng inodoro e di pwedeng wala akong dalang babasahin. Kahit yung pagkalaki laking dictionary.

Q: Wala ka bang smart phone na pwede mong libangan?

A: Meron pero nabasag. Bwisit na aso kasi yun. Pero kahit nung gumagana pa hindi naman ako maka-access sa FB. Isa lang siyang malaking USB at maliit na HDTV.

 

Q: Go get a fucking life Angmamangenhinyero!

A: Yun na ang “life” na alam ko. Total di naman ako social na tao kaya welcome to the jungle!

wwwDOTaliexpressDOTcom.jpg
“Honey, isn’t that a bit too revealing?” It’s the new conservative, stupid! Photo from http://www.aliexpress.com

At kung sa akala mong tuwing sumasakay ako ng bus at UV e palagi nalang akong naghahanap ng mga naka miniskirt, curvy o petite mapuputi at makikinis na mga legs, at mga katakam-takam na mga cleavage… HA! Pwes,

Tama ka. Pero di lang dyan umiinog ang mundo ko.

Pero nakakapagtakang iirapan ka ng mga bebot na nakasuot ng mga revealing outfits. Man ang labo! Kaya nga pinapakita para makita diba? Ok sa alright sa amin kapag may chicks na diring-diri sa mga kasuotang may kahabaan at mistulang may krisis sa supply ng tela.

wwwDOTpinterestDOTcom
Just a wee wee bit higher please! Photo from http://www.pinterest.com

Di ko ine-encourage ang pambabastos sa kababaihan. May asawa din ako, nanay at mangilan-ngilang mga girlfriends (kaibigang babae, ‘lul!) Ang sinasabi ko e iba ang tingin na nanghuhubad sa isip at iba rin ang tingin ng humahanga.

At yaman din lang na gustong-gusto mong magsuot ng mga damit na “does not leave much to the imagination,” sige ganito nalang: we’ll let you be a woman and you’ll let us be a man. Deal?

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

3 thoughts on “Kung Anu-Anong Kauululan sa Loob at Labas ng UV Express III: EDSA Drift”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s