Para kay Boss Albert

“Alam nyo ba yung steel weathering? Baka hindi nyo alam ha mga structural majors pa mandin kayo nakakahiya! Kaya kapag nakakita kayo ng bagong tulay na parang kinakalawang na, alam nyo na. Wag kayong tatanga-tanga!”

Advertisements
wwwDOTdeismDOTcom
Boss Albert (super proxy). Photo from http://www.deism.com

Salamat boss Albert. Di ko isinulat to para magpaalam (alam ko naman na masamang damo tayo parehas kaya kapag may awa ang langit e tulad ni Enrile, baka maabot natin ang mga centennial birthdays natin >:->). At kahit di man kita direktang boss kundi isa kong propesor ko sa grad school, sana ay pahintulutan mo akong tawagin kang boss.

Idol kita boss. Lagi mong kinukwento na Pisay ka noong highschool ka at umabot hanggang quantum mechanics ang topic nyo sa physics. Kuantong naman ang agad pumasok sa isip ko noon (Ilocano ng spinach). Kung kaya kapag nagdi-discuss tayo ng mga nakaka-hemmorage na mga konsepto gaya ng Euler-Lagrange equations at shear center ng steel sections e lagi mong ine-emphasize sa amin na weird ka talaga mag-isip kung kaya sobrang nae-enjoy ang mga weird stuff. Di gaya ng karamihan tulad ko na sumusubsob sa mesa ang mukha sa sobrang antok habang nagbabasa ng math textbooks habang ikaw ay parang fanatic na nagbabasa lang ng latest installment ng Game of Thrones.

Nga po pala, sobrang natuwa ako sa Euler-Lagrange equation na ginagamit natin nun sa Lagrangian mechanics kaya Lagrange ang napili kong isang pangalan ng bunso ko 😀

wwwDOTpeopleDOTbuDOTedu
Euler-Lagrange equation. Oo eto nga. Maniwala ka sa hindi, di yan gawa-gawa ng adik sa kanto. Photo from http://www.people.bu.edu

Lupit mo boss. Tapos gustong-gusto mo talagang nabubugbog ang utak mo kaya ka nag-UP nung tumuntong ka na ng college. Pero mas emphasized mo parin na Pisay ka galing kesa sa pagiging graduate mo ng UP. Siguro nung tumuntong ka na ng UP e sobrang bored ka na sa buhay dahil maning-mani nalang lahat ng mga lessons mo dun. Differential equations? Subject ba yan sayo o para ka lang nagko-crossword puzzle? Matrix? Tang-ina kahit nakapitkit ka ata boss di ka sasablay!

At syempre sasabihin ko narin sa lahat ng mga nakakabasa nito na pinadala ka ng America bilang scholar upang doon mo kunin ang MS at PhD degrees mo! Sana e matutunan ko rin kung paanong di basta-bastang natutusta ang utak at di agad-agad nawawala sa katinuan sa dami at lalim ng mga pinag-aaralan gaya ng natapos mo.

Salamat din at naisipan mong magturo matapos kang mag-aral. Madalas mong ikwento na sa halos lahat ng sector na saklaw ng construction industry e marami kang naging estudyante at nabibigla ka nalang kapag may tumatawag na sir sayong likuran. Salamat at minahal mo ang ating propesyon kung kaya ka nagturo. Tignan mo naman boss, bumalik naman sayo at minahal ka rin ng mga paaralang iyong pinaglingkuran.

Hindi ka madamot sa iyong mga nalalaman. Batid mo ang kasabihang “knowledge is power” ngunit di mo ipinagkakait sa amin ang kapangyarihang iyon. Oo isa kang guro at tungkulin mong bigyang kaalaman ang mga enhinyerong may mga murang isip tulad ko, ngunit di ka katulad ng iba. Walang anumang bahid ng insecurity sa katawan mo kung kayat lahat ng gulang sa design na natutunan mo e iyong ibinabahagi sa amin. Idol talaga kita boss.

Maalala ko rin noong dine-derive mo ang pormula ng rho max sa subject natin na advanced concrete. “Madali lang yan” sabi mo at pagkatapos mong i-derive ay sinabi mong “wag kayong mahihiyang pumalakpak kapag natutuwa kayo” at para kaming mga utu-utong nagsipalakpakan. Pero ok lang yun boss, you deserve the credit!

wwwDOTgiphyDOTcom.gif
Pumalakpak at tumayo. Hit repeat to infinity. GIF from http://www.giphy.com

Tawang-tawa parin ako boss nung pinag-uusapan natin sa klase ang steel weathering. Maalala ko pa ang monologue mo nung ipinapaliwanag mo na isang paraan ng pagproteksyon sa bakal yun na mas mura kumpara sa pag hot-dipped galvanized. Sabi mo nun “Alam nyo ba yung steel weathering? Baka hindi nyo alam ha mga structural majors pa mandin kayo nakakahiya! Kaya kapag nakakita kayo ng bagong tulay na parang kinakalawang na, alam nyo na. Wag kayong tatanga-tanga!”

At kahit ipinagdiinan mo yung mga salitang WAG KAYONG TATANGA-TANGA ay tawang-tawa parin ako ng gaya ng pagkatuwa ko sa pinoy henyo version ni Mar at ni Pnoy:

PINOYHENYOwwwDOTpinoyexchangeDOTcom.jpg
The un-aired most hilarious Pinoy Henyo episode. Photo from http://www.pinoyexchange.com

At kahit ngayong pwede na siyang isama sa world history books dahil sa tanda na ng mga jokes na to e tatawa parin ako sigurado tuwing maririnig o makikita ko ito.

“You should pray for frequent light earthquakes” sabi mo sa lecture mo sa amin noong nakaraan. Nais kong ibahagi ito sa aking mga mambabasa (konti lang sila boss pero pakiramdam ko ay responsibilidad kong ipasa sa kanila ang aking mga natutunan sayo tungkol dito upang mapaghandaan nila at ng kanilang mga pamilya ang inaasahang malakas na lindol na parating). At dahil may katagalan na mula noong niyanig ng malakas na lindol ang Luzon mula noong 1990 (halos 27 na taon na) ay, sabi mo, kumbaga sa pigsa e hinog na hinog na hinog na at darating na ang paggalaw ng West Valley Fault. Sabi mo ay vulnerable ang mga lugar na nadadaanan ng fault line na ito na nagsisimula sa Alabang along Laguna de Bay at dadaan ng Paranaque, Taguig, Mandaluyong, Green Meadows sa Quezon City, tatawid ng Katipunan, dadaan ng Marikina at didiretso hanggang sa Bulacan. Sabi mong mas maganda na yanigin tayo ng madalas ngunit mahihinang lindol kesa maipon ang lakas nito dahil sa matagal na pananahimik ng West Valley Fault system. Salamat boss sa mga binahagi mong kaalaman sa amin tungkol sa lindol sa perspektibo ng isang structural engineer.

Lalo kitang inidolo nung isang klase natin sa earthquake engineering, kung saan natin pinag-aralan kung ano ang scientific at mathematical basis ng dynamic analysis. Sinabi mong pakatapos ng lindol, ay kami ang first line of structural evaluators. Kami ang may kakayanan na mag-evaluate kong tatayo pa ng matagal ang istrukturang tinamaan ng lindol. Itinuro mo rin sa amin kung paano gagawin ang evaluation na to. At kapag kailangan na ng second round of evaluation ay sabi mo na ikaw na ang tatawagin namin. Mas mahal ang professional fee mo, hahahaha ok lang boss ganun talaga yun e.

Natuwa ako boss kasi naramdaman kong itinuturing mo kaming juniors, may kakayanan na hasain at pagalingin pa, at ang mga next-in-line na structural engineers na magiging pangunahing pundasyon ng mga mas matitibay na imprastraktura ng bansa sa hinaharap (naks!) Salamat boss at kahit sobrang taas na ng narating mo e di mo kami itinuturing na mangmang, walang karapatang tawaging structural engineers at mga walang silbi. Salamat boss at di mo kami nakitang kakumpitensya sa pinagkakakitaan kundi nakikita mo kaming magmamana ng hinaharap. Pasensya ka na boss pero sariwang-sariwa pa sa ala-ala ko nung trinatrato pa kaming basahan ng isang kabaro natin. Pero alang kwenta na yun boss, di na kelangang pagusapan dahil tayo naman ang bida hahahaha. Pero salamat talaga boss Albert.

Siguro ang tingin ng iba e mayabang ka. Ngunit hindi ka nakakainis na gaya ng iba. Isa ka dun sa mga taong kayang panindigan ang kanyang mga sinasabi kaya di ka nakakainis. Ako naman ang tingin ko e na-transcend mo na yung pagyayabang. May karapatan ka naman na kasing magyabang. At higit pa sa pagyayabang e nagagawa mong ma-inspire ang mga estudyante mo upang tularan ka. Isa na ako dun boss. May mga nakilala narin akong matatanda sa propesyon natin. Alam mo ba boss na isa lang ang natutunan ko mula sa kanya? Yun ay nang sinabi ko sa sarili kong alam ko na kung anong ayaw kong maging pagtanda ko sa propesyong ito. Pero salamat narin at nakilala ko kayo boss. Kung noon e alam ko na ang ayaw kong maging, ngayon naman e nakita ko na ang structural engineer na gusto kong maging kapag ako’y nagkaedad na.

Salamat sa tyaga boss. Salamat sa di mo pagiging maramot.

Sabi ng panganay ko e gusto nya ring maging bridge engineer tulad mo balang araw. Sana e ikaw mismo ang mag-mentor sa kanya. Sa buildings ako e, wala akong kamalay-malay sa tulay hahahahah

wwwDOTmirrorDOTcoDOTuk.jpg
“Miss, hayaan mong itawid kita sa kabila!” Photo from http://www.mirror.co.uk

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

9 thoughts on “Para kay Boss Albert”

    1. alam mo brad Isay, sa aming mga working men, nakakatanggal stress kapag naiisip namin ang pamilya, may nakakatuwang nagpapatawa, at (sexist na kung sexist) may nakikitang magagandang chicks. “nakikita” ang sinabi ko Isay ha, “nakikita”…

      Liked by 1 person

      1. alam mo brad, sa aming mga working women, nakakatanggal stress kapag naiisip namin ang pamilya, may nakakatuwang nagpapatawa, at (sexist na kung sexist) may nakikitang magagandang chicks. “nakikita” ang sinabi ko ha, “nakikita”…

        bwahahhahahahahaha

        Liked by 1 person

          1. hahahahah joke lang naman brad…..hindi naman sa chicks ang hanap ko..kaso kung mangiistalk ako sa insta, mas nangiistalk ako ng chicks dahil wala akong interes sa abs at pandesal hahahahah

            Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s