Sinong Nagpapatawa sa Nagpapatawa?

Alay ko sayo’y isang taas na kamao;

Di para bumasag ng nguso

Kundi upang magbigay pugay sayo.

Advertisements
wwwDOT123rfDOTcom
Now that’s funny! Photo from http://www.123rf.com

Sa iyong nakakatawa…

Sa iyong nagpapatawa…

Sa iyong nakakatuwa…

 

Alay ko sayo’y isang taas na kamao;

Di para bumasag ng nguso

Kundi upang magbigay pugay sayo.

 

At upang magpasalamat sa ginagawa mo;

Ito man ay sinasadya

O sadyang likas nalang sayo.

 

Salamat sa pagpapa-alalang

Ang mundo’y binihisan din ng Diyos ng halakhak;

At hindi hinulma ng pighati

Kundi ng isang abot-abot na ngiti.

 

Salamat sa dala mong saya at tawa

Na nagbibigay ngisi at tuwa sa aking mukha,

Utak ko’y nabanlian, diwa ko’y nalamigan.

 

Ngunit sa panahon ng iyong kalungkutan

Sa panahong ikaw ang nangangailangan:

 

Ng saya,

Ng pagpapatawa,

Ng sinag ng araw na ipinagkakait ng mga makakapal na mga ulap…

 

Sinong magpapatawa sayo?

Sinong papawi ng unos na dala ng lumbay at agam-agam sa kung anong naghihintay sa iyong hinaharap?

 

Para sayo, alay ko’y taimtim na panalangin…

 

Di bulag at di bingi ang langit,

Ang mga mumunting halakhak na iyong ibinibigay,

Babalik sayo at babahain ka ng walang sablay.

 

Maraming salamat,

 

Salamat sa iyong alay,

Iyong kaisipan at buhay na makulay.

wwwDOTbarenakedlifeDOTcom.jpg
Simply thanks. For the laughter, for the fun, for just being you. Photo from http://www.barenakedlife.com

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

6 thoughts on “Sinong Nagpapatawa sa Nagpapatawa?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s