Ang Nilalangaw Kong Blog

At pagdating sa aking blog eto parin ang naririnig ko:

Krik, krik, krik…

Advertisements
langaw.jpg
Mga Langaw na Naglalangaw. Photo from http://www.missosology.info

Napaghahalataan maging sa blogosphere kung sino ang lapitin ng mga kaibigan at kung sino’ng hindi.

Akala ko nun ay magagawa kong baliktarin ang sitwasyon ko kung sino ako sa totoong buhay at kung sino si mamang enhinyero sa wodwaydweb. Ang mamang tahimik, manyakis tumingin (sabi nila), nage-enjoy mag-isa kahit nasa likod ang boss niya ay isang matagumpay na moderator ng mga opinion ukol sa kanyang mga sinulat sa wordpress. Na ang madalas putaktihin ng likes at comments sa lahat ng kanyang mga posts ay isa palang tahimik na tao na aakalain mong reincarnation ni Gandhi.

Pero wala akong mga barkada sa opisina. Maski sa bahay. At pagdating sa aking blog eto parin ang naririnig ko:

Krik, krik, krik…

Buti pa yung shih tzu ni Chris, kahit sa kwento hindi nilalangaw di gaya ng karamihan sa mga post ko. Pero at least may langaw at crickets, sapat na ang dahilan na yun para magpasalamat sa pagdalaw ng mga buhay at hindi ng mga yumao na.

Sabi nga ni brad baka alien ako. Malamang.

Pero tingin ko mas out of this world yung mga ibang lahi na minsan ay napapadpad sa aking blog. May mga post na nananagalog ako at kadalasan ay napapalamutian ito ng mga sandamakmak na mura pero nagtataka talaga ako kung bakit biglang may nagla-like na mga Jane at John Doe. Walanjo, mantakin mo yun. Extra-terrestial people transcending the language barrier!

Minsan, pero ngayon nagiging madalas na, fragmented ang utak ko . Gaya ng post na to. Ah, kaya siguro andaming langaw…

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

23 thoughts on “Ang Nilalangaw Kong Blog”

  1. Bwahahahahha eh brad. Marami ngang alien na ungas na ibang lahi na kung kelan tagalog ang post eh saka puputakte ng likes. Basta ata lumabas sa newsfeed nila eh ilalike na nila para i like mo din sila hahaha para-paraan.

    Brad walang langaw dito. Hindi ito Payatas.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s