Kung Anu-Anong Kaululan sa Loob at Labas ng UV Express: Bersikulo Dos

Eto ang sequel. Hangga’t bumibyahe, may chicks at bwisit, may iku-kwento…

Advertisements

Eto ang sequel. Hangga’t bumibyahe, may chicks at bwisit, may iku-kwento…

 0 – 0 – 0 – 0

cnnphilippinesDOTcom.jpg
Nampucha talaga! Photo from http://www.cnnphilippines.com

Dahil napalayo na ang aking tirahan, dumagdag ang biyaheng bus mula Cubao hanggang Ayala sa aking adventure. Kung dati e 1 hanggang 2 oras ang average na biyahe ko mula bahay hanggang Ayala and vice versa, ngayon e minimum 2 hours na! At kung mamalas-malasin pa e makakarating na ako sa bahay na nagpapalit na ng petsa ang relo na nakasabit sa dingding.

Ano pa nga ba, EDSA talaga kahit kelan. Mula noon, hanggang ngayon at malamang sa malamang e hanggang bukas. Litsi!

 0 – 0 – 0 – 0

babaeromovesDwordpressDcom.jpg
Miss pwedeng pakihatak pa ng konti pataas? Bwahahahaha! Photo from http://www.babaeromoves.wordpress.com

Kung makakapili lang ako ng makakatabi o tatabi sakin sa bus e syempre chicks ang pipiliin ko o di kaya e chickmom! Upong tama ang gagawin ko kapag below average (kartada 0-5), kapag 6-8 e I will take up half her space at kapag 9-10?! Kakalungin ko nalang siya! J

Pero ano nga ba ang batayan ng mga chicks sa pagpili ng mauupuan o makakatabi sa bus? Ito ang aking isang malaking katanungan na hindi ko mabigyan ng kasagutan. Naghu-Juander ka rin ba kapamilya bakit?

Mailap sa akin ang kapalaran. Kahit poging-pogi ako at ang porma ko e hindi ko magawang maging consistent ang mga resulta. Andyan na:

  1. Siguro malaki masyado ang na-occupy ko, kaya pipilitin kong pagkasyahin ang sarili ko sa dibisyon ng mga upuan. Sa mga di aware lalo na sa lady readers nito e di po kumportable sa aming mga lalaki ang paipit na pag-upo. Masakit kapag napiga!!!
  2. Siguro creepy ako masyadong tumingin kaya medyo patay malisya nalang kahit seksing-seksi ang uupo sa tabi ko at gustong-gusto ko na siyang harapin, hawakan sa dalawang kamay at sabihang “go home with me now (wink wink!)”
  3. Dahil di ko naman pinapabayaan ang hygiene ko e consistent naman akong magpapogi at gumamit ng Axe.

Pero malupit parin ang tadhana. Madalas e pareho kong mama ang tumatabi sakin. Kung pwede lang sanang gumamit ng elbow, knees, at axe kick e ginawa ko na para mapalayas sila. Joke lang, di naman ako ganon ka-bayolente sa kapwa ko. Shit, maalala ko di pala ako palabiro.

O kung hindi man e mga senior ang tumatabi sakin. Nakakarelax ng mga ugat kasi wala akong iniintindi kapag mga lolo at lola na ang katabi ko bukod sa manaka-nakang pagsagot ng “…malayo pa po…”, “…doon pa po nay/tay…”, “…opo, sana po barilin napo ni Duterte yan…”

Ano nga ba ang batayan ng mga chicks para consistent akong makikiupo o tatabihan nila?

Sa mga chick readers na sumasakay ng bus: may idea ka kung pano?

 0 – 0 – 0 – 0

wwwDtelegraphDcoDuk.jpg
Hello ladies! Photo from http://www.telegraph.co.uk

Binigyan ako ng balikat upang ito’y gamitin na pasanin ang mga mabibigat na bagay. Dati e sakong puno ng palay ang pasan ko nung nasa probinsiya pa ako. Pagkababa ko nung sako e magfe-flex ako at magga-growl (imagine-in mo si incredible hulk na lukut ang mukha at mistulang punung-puno ng plema ang lalamunan! GRRRRRROWWWWLLLLLLL!!)

At syempre para sandalan ng mga inaantok na chicks! Bwahahahahaha!

Kung matanda, mmmmm sige na na nga lang..

Kung bata, sige pero sana cute na bata at di yung uhugin.

Pero liban sa mga nasabi ko e kapag may ulong gusto akong maging unan e hinihiling ko na tubuan sana agad ng pinatulis na kawayan ang mga balikat ko! Siguradong takam na takam ang mga aso ko sa litsong utak na tinuhog sa kawayan.

 0 – 0 – 0 – 0

enDwikipediaDorg.jpg
There’s still room for the world’s entire population. Photo from http://www.en.wikipedia.org

Mahirap magpalaki ng matatanda. Mahirap silang pagsabihan. Di ko alam bakit ayaw na ayaw nilang pumunta sa likuran kapag standing ovation na sa gitna ng bus e ang luwag-luwag pa naman. Di ko alam bakit nakikipag-kompitensya sila sa harapan kasama ang mga manyakis at snatchers. Tapos kapag nasisiksik sila e magrereklamo at paparatangan kang di ka marunong gumalang sa parang magulang mo na. O ha! Yari ka kay lolo at lola. Tapos kabataan daw ang di nakakaintindi ngayon. WTF man!!!

 0 – 0 – 0 – 0

wwwDtempoDcomDph.jpg
Don’t worry Alex, you’re loved by angmamangenhinyero… Photo from http://www.tempo.com.ph

Matagal na akong tinititigan ni Alex Gonzaga. Mapang-akit at mistulang nangungusap at nang-aasar. Sa umaga ko siya madalas Makita habang nasa byahe ako sa bus. Oo, hanggang gabi. Mantakin mo yun?! Nakapaskil siya sa likod ng bus at may ine-endorse na produkto na di ko alam bakit wala akong Makita sa google.

Sa dinami-dami ng bus na umaararo sa EDSA araw-araw e maliit lang dapat ang probability na makikita ko ang mukha nya pero kapag nananadya ang panahon at kapalaran e papanay-panayin ako ng mukha niya. Kulang nalang sa kanya e salamin, parehas na kami at kulang nalang e maging cosplay couple kami…

Mahal, bagay sayo ang headband 🙂

 0 – 0 – 0 – 0

nightsheepsphotoblogDwordpressDcom.jpg
Wala akong maisip na caption… Photo from http://www.nightsheepsphotoblog.wordpress.com

Natutuwa ako sa kwento ni Ecs tungkol sa manaka-nakang atake nya ng Kwentong Jeepney: EMOglobin. Sa palagay ko e isang positibong pangyayari sa isang binibining gaya niya na nailalabas ang emo habang nakikinig sa isang kanta.

Ako naman e road rage ang nararamdaman ko kapag nakakarinig ako ng local rap!

Naiinis ako sa rap. Ganun din sa flip top. Parang kumukulo ang dugo ko kapag nakakarinig ako nun.

Pinoy rap ang national anthem ng mga jeep na papuntang Antipolo. Maalala ko nung may project kami doon at jeep ang sinasakyan ko sa Marcos Hiway. Di ko alam kung bakit staple sa mga jeep doon ang rap. Halos isang oras matuturete ang tenga at utak ko habang nakatapat sa akin ang trumpa sa loob jeep. Putik! Kapag minamalas ka nga naman.

Bukod na nga sa nakakainis na nga na rap ang pinapatugtog e, ubod pa ng lakas ang mga speaker kaya madalas akong manalangin noon na sana masira ang speaker at stereo nila. Di ko alam pano pa naririnig ng konduktor at driver ang mga pasahero kapag nagbabayad at pumapara. Kelangan mo pang sumigaw ng “BAYAD!!!” at “PARA!!!” para malaman nila na hindi ka lang nakikipagkwentuhan sa katabi mo.

0 – 0 – 0 – 0

Nauulol ka rin ba tuwing ikaw ay nagko-commute? Ako matagal na. Ano naman ang kaululan mo? ULUL!!!

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

19 thoughts on “Kung Anu-Anong Kaululan sa Loob at Labas ng UV Express: Bersikulo Dos”

  1. Babae (maganda or hindi) ang ibig mo sabihin sa salitang chics? Bilang isang babae ang gusto ko makatabi sa bus ay ung fare share kami sa space ng upuan pangalawa ung mukhang mabango at malinis. Hahaha

    Liked by 1 person

    1. Aha! Chia, sa aming mga lalaki kapag sinabing chics, ang ibig sabihin ay girlfriend material na pwedeng ipagmalaki at ipagyabang sa mga kabarkada namin 😀 I dont mean to be a racist pero ganun talaga ang definition.

      Mukhang mabango at malinis hahahahaha ok ok ok

      And in as much as sinagot mo yung tanong ko, salamat sa opinyon mo chic reader Chia! 🙂

      Liked by 1 person

    1. Hahahaha ideally ha Chia ideally, maputi, matangkad, petit pero ok na ok din kung voluptuous, at syempre maganda. at syempre smart manamit. di naman kelangan pang beauty queen pero dapat maganda tapos confident. bonus din kapag smart at intelligent.

      yun ang mga girlfriend material na worth ng bragging rights hahahahaha

      Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s