Mahal Ko, Sa Aking Pagpanaw…

Huling habilin sa aking mahal:

Mahal ko, mula sa aking burol hanggang paglibing, hiling ko na patugtugin ng paulit-ulit at walang patid ang kantang Roots Bloody Roots ng Sepultura…

Advertisements
arlingtonnational
Photo from http://www.arlingtonnational.com

 

Kapag namatay ako,

Huwag mo akong iyakan;

Di ko kayang dalhin ang mga luha mo,

Mamamatay uli akong makita kang tumatangis.

 

Kapag pumanaw ako,

Huwag na huwag kang lumuha;

Pagkat di ko mapapatawad ang tadhana,

Na siyang kumitil sa ating matamis na pagsasama.

 

Sa kabilang buhay ako’y maghihinagpis,

Sa sandali kong buhay na di ko nadugtungan;

Upang masamahan ka, mahalin at damayan,

Aking sarili’y di ko mabibigyang kapatawaran.

 

Sa pagsara ng aking ataul,

Hiling kong ako ay sulyapan;

At masilayan ang ngiti sa iyong labing minsang hinagkan,

At maamoy iyong samyong kinagisnan.

 

At kung sepulturero ako na’y ibabaon,

Hiling ko na aking alaala’y huwag ibaon sa hukay;

Bagkus sa tatahakin mong daan, isip ay ituon,

Iyong pagmamahal aking dadalhin sa kabilang buhay.

 

Huling habilin sa aking mahal:

Mahal ko, mula sa aking burol hanggang paglibing, hiling ko na patugtugin ng paulit-ulit at walang patid ang kantang Roots Bloody Roots ng Sepultura

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

2 thoughts on “Mahal Ko, Sa Aking Pagpanaw…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s