Standing Ovation

PS1 Ingat sa mandurukot

PS2 Saka nalang yung kiss mo

Advertisements
Photo from wwwDOTpromotiviaDOTcom
Photo from http://www.promotiva.com

Kay Miss maganda na nakatayo sa gitna ng bus,

Alam kong sa mga oras na ito ay pareho nating binubuno ang trapik sa EDSA. Β Na tulad ko ay ayaw mo ring mag-MRT dahil di ka sigurado kung titirik ba ito sa gitna o kung maaasahan mo ba si Spiderman sakaling madiskaril ito.

At malamang ay ayaw mo ring makipagsiksikan sa MRT kaya ka nag-bus. Ayoko rin. Buti sana kung puro chicks lang ang dumidikdik sakin ok lang. Bring it on! Kaysa makipagbalyahan ako sa iba e baka maging Octagon ang siksikan ng bagon ng MRT.

Pero teka, di naman kalagayan ng MRT ang gusto kong i-hirit sayo. Nais ko lang naman magpasalamat na kahit bwisit ang traffic e gumaganda naman ang disposisyon ko dahil sa ganda mo.

Ngiti ka naman diyan o, isa lang. Sige na. Ayaw mo? Sige, hahalikan nalang kita pagbaba ko.

Alam kong aburido ka na sa ngawit at ngalay sa pagkakatayo mo. Pagod sa trabaho, tapos siksikan pa sa maliit nating mundo. Hassle talaga, tapos minsan naka-skirt ka pa. Wag kang mag-alala di kita hinuhubaran sa tingin ko. Napatunayan ko na kasing nakakasama sa atay ang sobrang perversion. Kaya imbes na papag-isipan kita e magpapakilala nalang ako sayo πŸ™‚

Pasensya ka na kung di ko maibigay ang upuan ko sayo. Kasi nasa bandang likuran ako.

Napapansin kita kahit may sarili kang mundo habang nakaheadset ka at kinakalikot mo ang iyong cellphone. Habang hinahagod mo ang buhok mo at manaka-naka kang sumusulyap sa paligid mo. Oo na maganda kana, kaya nga kita sinusulatan di ba?

Pwede mo rin naman akong sandalan. Kalong kamo? Halika na, may libreng kiss pa!

Sige na nga ako nalang ang ngingiti kung ayaw mo. Total napapangiti mo naman ako. I love what I’m seeing right now, pleased what’s before my eyes. At kahit nakaka-init ng ulo ang sitwasyon natin e masasabi kong life rocks!

Sige bababa na ko. Makakaupo at makakauwi ka rin, tiwala lang.

 

Ang nagmamahal (saglit, mali, may mahal na ako at alam niya kung sino siya. I love you baby!)

Angmamangenhinyero

 

 

PS1 Ingat sa mandurukot

PS2 Saka nalang yung kiss mo

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

17 thoughts on “Standing Ovation”

          1. grabe parang skywards membership lang. may exclusive rights and privileges pa myghash! may points earned din pag nag fly ng business to first class? ha ha ha ha

            hindi nga Donita at Aubrey. pwede ba? Kiray. Kiray!

            Liked by 1 person

            1. oo naman. rock star ka naman e, tribo pa tayo kaya may utang akong kape, ikaw videoke…

              uy kaw na nagsabi nyan ha, ang gaganda na ng mga sinabi ko, tapos naisip ko pang idagdag si Inah Raymundo

              sige sama mo na rin si Melay at si Aling Dionisia πŸ˜€

              Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s