Gusto Kong Magsulat (ng Kanta) Pero Di Ko Magawa!

PhotoFromenDOTwikipediaDOTcom
Don Henley. Photo From en.wikipedia.com

Gusto kong gawin ngayon e sumulat ng kanta. Yung guguhit sa puso at tatatak sa isipan ng makakarinig. Yung mapapa-emote si ate at i-uuntog ni kuya ang ulo niya sa semento dahil “it struck something familiar from deep within.”

Yung maraming makaka-relate.

Nakapagsulat na ako ng technical papers (naghihikab na ako ngayon) at iba’t-ibang mga bagay dito sa aking blog. Very rewarding ang experience na mag-blog tungkol sa kung anu-anong mga bagay kahit na di ganun karami ang aking mga mambabasa (di ko nga sigurado e kung meron ba talaga akong matatawag na mambabasa?!)

Ibang dimensyon kasi yung pagsusulat ng kanta lalo kung nalapatan na ito ng musika. Nagiging timeless na ang mga titik na bumubuo sa mga living legends na maituturing.

Naikwento ko na ang pagkahumaling ko sa musika sa mga nauna ko ng naisulat. Pero para sayo na matyagang nakarating sa linyang ito e ililista ko ulit ang particular na relasyon/experiences ko sa musika para sayo:

  1. marunong akong tumipa ng gitara
  2. marunong akong kumanta
  3. paborito ko ang rock and alternative music
  4. gusto ko yung mga kantang pang-headbang
  5. Coincidence na pareho kami ng mga paboritong rock bands ni Ms. Walrus na nakalista sa kanyang blog post na Muzikë. Kaya pindutin mo nalang ang link at di ko na isusulat dahil mahaba ang kanyang ginawang listahan complete with pictures. [Astig ka Anje! m/ (“,)] For emphasis, yung mga ROCK BANDS LANG NA NAKASULAT!
  6. Frustrated rocker ako. Gusto kong either maging bokalista o lead guitarist pero mukhang pangarap nalang yun.
  7. Nakagawa na ako ng dalawang kanta complete with guitar chords nung highschool ako, tungkol sa isang magandang babaeng manhater at yung isa ay nakatitle na ang pangalan niyang “Shamir”. Di ko na naitago yung lyrics kaya di mo na ako makakantyawan sa kabaduyan ko.
  8. Di na ako nakapagsulat ng kanta muli dahil naging busy na sa pagtugon ng mga hamon sa totoong buhay.

Ngayon, kung bakit parang nabuhayan ako ng dugo at ura-uradang gusto ko ulit magsulat ng kanta e nung nalaman ko na sinulat pala ni Don Henley ang kantang “The Boys of Summer”. Punong-puno ng angst ang kanta, nostalgia sa nakalipas at ang paborito kong mabilis na tempo. Kung interesado kang pakinggan e hanapin mo yung version na ginawa ng bandang The Ataris kasi mas preferred ko yun (hingi ka sa akin ng kopya kung wala kang mahanap). Ang sumulat ng kanta na si Don Henley ay miyembro ng bandang The Eagles. Nagsolo at nakapagsulat ng mga malulupit na kanta na punung-puno ng emosyon na tayong mga emotero at emoterang mga rakista lang ang makakaramdam. Eto yung lyrics [from lyricsmode.com. Pagkatapos ng lyrics e may closing remarks pa ako. Wag tamarin mag-scroll (“,)]:

The Boys of Summer

Written by Don Henley

Sung by The Ataris

Nobody on the road
Nobody on the beach
I feel it in the air
The summer’s out of reach
Empty lake, empty streets
The sun goes down alone
I’m drivin’ by your house
Though I know you’re not at home

But I can see you-
Your brown skin shinin’ in the sun
You got your hair combed back and your sunglasses on, baby
And I can tell you my love for you will still be strong
After the boys of summer have gone

I never will forget those nights
I wonder if it was a dream
Remember how you made me crazy?
Remember how I made you scream
Now I don’t understand what happened to our love
But babe, I’m gonna get you back
I’m gonna show you what I’m made of

I can see you-
Your brown skin shinin’ in the sun
I see you walkin’ real slow and you’re smilin’ at everyone
I can tell you my love for you will still be strong
After the boys of summer have gone

Out on the road today, I saw a black flag sticker on a cadillac
A little voice inside my head said, “don’t look back. you can never look back.”
I thought I knew what love was
What did I know?
Those days are gone forever
I should just let them go but-

I can see you-
Your brown skin shinin’ in the sun
You got that top pulled down and that radio on, baby
And I can tell you my love for you will still be strong
After the boys of summer have gone

I can see you-
Your brown skin shinin’ in the sun
You got that hair slicked back and those wayfarers on, baby
I can tell you my love for you will still be strong
After the boys of summer have gone

 

O diba ang lufet?!

Suntok sa buwan na nga siguro kung magagawa ko pang umubos ng 2 o higit pang oras kasama lang ang recorder, gitara, papel at panulat nang hindi nana-nag na maglinis ng bahay, maghugas ng plato o magpakain ng aso.

Suntok sa buwan dahil nag-aaral pa ako ulit; dahil di ako basta-bastang nakakahinga sa trabaho para magkaroon ako ng maraming oras dito, bukod sa dami ng gusto kong simulan at gawin sa sarili ko.

A bahala na! Sayang naman kung di ko isusulat ang kwento ko – ang kwento natin. At sayang din kung di man lang natin mapapakinggan ang mga kantang para lang talaga sa atin at sa ibang taong nagnanais na makarinig nito. Boses ko to na kelangan kong iparinig sa sarili ko at sa iba ito man ay sa pamamagitan ng isang growl o kung ito man ay “binubulong sa hangin”.

Bahala na.

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

10 thoughts on “Gusto Kong Magsulat (ng Kanta) Pero Di Ko Magawa!”

    1. Sige bro, yaman din lang na binabalik ko ang passion ko sa pagkanta at sa rock en roll e susubukan ko. Salamat sa link.

      Nakabisita na pala ako sa site ng PSA and even followed it. Hands off na ba kaming mga di na singgol pipol dun? Di ba pwedeng makitropa-tropa?! 🙂

      Liked by 1 person

    1. Walang anuman Aysa Baw hahahaha mas preferred ko sana first name e…

      I’m glad that you find humor in them, thanks! Napatunayan ko na minsan e pwede akong maging komedyante sa piling audience 🙂

      Frustrated rocker ka rin ba? Ako di naman ako frustrated sa lahat ng bagay, haha life rocks parin naman as always for the man that I am!

      Kelan ka uuwi dito satin?

      Liked by 2 people

      1. ha ha ha. Aysa na lang. natatawa ako hindi dahil nagpapatawa ko kundi kung paano ka mainis at magreklamo ha ha ha.

        oo frustrated rocker din ako at feeling ko parehas tayo ng music na pinapakinggan. naggigitara din ako, patipa-tipa lang…nag compose din ako ng mga kanta nung college, nirecord ko sa tape at pinakinig sa nag-iisang kaibigan kong pinagkatiwalaan kong humusga ng aking mga kanta LOL…a few months ago nabuhay ulit bigla ang kagustuhan kong mag compose pero sintunado ako sa sarili kong kanta ha ha ha…

        baka matagalan pa ako bago makauwi…kakauwi ko lang last Sept

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s