Ang Mura, Bow!

Bakit kaya masarap magmura?

Advertisements
Photo from jimmysintension.com
Photo from jimmysintension.com

Siyeeeeeeeeeeeeeeet!

Bakit kaya masarap magmura? Ewan. Nakagawian nalang siguro.

Ibang-iba kasi yung dating e. Parang ganito:

Sample 1: “Ang ganda nya.” Ang una kong maiisip kapag narinig ko to, kung sa rate ng 1-10 e mga nasa 5 ang tinitignan nya. Pero kung

Sample 2: “Sh*t! T#ng-$na pare ang ganda nya!!” Naku, humanap ka na ng makakapitan at siguradong you will be blown away. Kartada 10 yun sigurado.

‘Di naman ako likas na “angel” “with a bad lip.” Siguro di pa naman ganun kalala nung college. Pero nung nagtrabaho ako, dun ko natutunan na may mga industry na kelangan mo talagang matutunan pano mamulaklak ang bibig.

Sa construction industry.

Kasama mo e mga laborer, mason (mali ang iniisip mo! Di humawak ng paleta si Rizal at lalong di siya nagpalitada!), karpintero, steel man (nagtatayo at naglalatag ng bakal) at mga magugulang na foreman. Dito, di uso ang pakiusap kasi siguradong di ka si-seryosohin. Di rin pwede ang malumanay kasi kakayan-kayanin ka ng mga madalas ay abusadong mga bugok! Dapat may konting pitik, pero may konting batak din. Siguradong ayaw mong ibaon ng buhay ng mga backhoe operator! Parang ganito dapat:

Scenario 1: “Kuya ang tagal naman nyan, pakibilisan naman.” Ngingiti lang yun sa loob-loob nya, para ka lang nakipag-usap sa hangin.

Scenario 2: “T#ng-$na kuya ang tagal-tagal mo ng ginagawa yan a. Galaw-galaw din baka ka ma-stroke.” See? Ngingiti yon pero at the same time e magmamadali din siya. May pitik na may konting lambing.

Ang mura, bow! Kala mo likha lang ng mga loko-loko pero may pakinabang din pala.

Teka, bakit nasa Short Time to, napahaba na a… Ay sh********t!!!!!

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

1 thought on “Ang Mura, Bow!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s