Master

Medyo may katagalan narin mula nung huli akong naipost dito sa aking blog. Medyo naging busy. Bukod sa trabaho ay naging busy ako sa aking mental preparation upang mag-aral ulit para sa aking master’s degree in structural engineering.

(Credit goes to the rightful owner of photo)
(Credit goes to the rightful owner of photo)

Matagal na akong kinukumbinse ng asawa kong mag-aral ulit. At dahil madalas noon na di ko iniintindi ang sinasabi niya kapag napag-uusapan namin ang bagay na yon ay kulang nalang at buhatin niya ako hanggang sa registrar para maka-enroll na ako.

Nung una ay hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili ko na mag-aral sa dalawang kadahilanan:

Una ay naisip kong hindi ako magiging pinakamatalinong structural engineer na gaya ng pinapangarap ko kahit na mag-aral pa ako. Matayog akong mangarap, lagpas ng alapaap. Ayoko kong mangarap ng hilaw at basta-basta. Sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho ngayon ay naririto ang mga cream of the crop – galing UP, DLSU, at MAPUA samantalang ako ay isang hamak na probinsyano lamang at ang pinanggalingan kong paaralan ay wala sa mapa, never-heard-of sa mga tiga Maynila. “So what’s the point of studying?!” nasabi ko sa sarili ko.

Pangalawa ay aaminin ko na minsan ay naisip kong magsulat na lamang at pagkakitaan ito. Nadiskubre kong kaya ko rin naman palang magsulat, magset-up ng blog na aking ginawang tapunan ng mga kagaguhan at kapaki-pakinabang na mga bagay-bagay na nalilikha ng aking isipan. Bakit hindi, e kung gusto ko rin namang magsulat?

Sa mga nasabing kadahilanan din kung kaya ako naging kuntento sa kung anong technical na kakayanan meron ako bilang structural engineer. Kaya ko ng gamitin ang mga software na ETABS, SAFE, STAAD, ROBOT, PCACol, Prokon, TEDDS at manipulahin ang MS EXEL. Nagkaroon narin ako ng malalimang pagkaka-intindi sa konsepto ng bending (pagbaliko) at deflection (paglundo).

Sa ilang taong experience ko ay na-internalize ko narin kung paano magkaroon ng “feel” sa behavior ng isang gusali habang inuuga ito ng lindol, hangin at ng mga nakatira dito. Oo, ganun talaga sa propesyong ito. Hindi lang pakiramdam ng buhay na tao ang kailangan mong maramdaman kundi pati ang behavior ng isang di buhay na istruktura.

Ok na, sapat na. hayaan nalang ang mga advanced topics sa mga henyo at mga tiga-Nemic. Mabubuhay na ako at maitatawid ko na ang sarili at pamilya ko.

At doon ko nga narinig na nag-static ang reading ng electrocardiogram – yung isang tonong diretso at may straight line sa monitor

Eto na nga yun. Dumating na ang panahong pagod na ako sa aking status quo at tila nasa twilight zone ang aking career.

Writer ba talaga ako? Minasdan ko ang sarili ko habang nagsusulat. Dahil hindi naman ako outgoing na tao ay wala naman akong maraming  maikwento tungkol sa  mga gimik at sa mga bagay na kumikiliti sa mga kabataan ngayon. Syet! Tumatanda na nga ako. Matumal pa sa rollback ng presyo ng gasolina ang pagdalaw ng mga mambabasa sa aking site na on the average ay may 1 view a week lang. Ano ba ang maikukwento ng taong madalas tahimik, mag-isa, libro ang umaaliw, at pamilya-trabaho lang ang pinagkakaabalahan?

Isang araw ay mistula akong hinambalos sa ulo at naumpog sa katotohanan.

Nakakaramdam na ako ng depresyon. Kumbaga sa makina ay may dispalinghado na akong pyesa. May mali. Nagiging frustrated ako habang lumilipas ang mga araw. At nang hindi ko na natiis, nagsumigaw ako ng paulit-ulit at walang patid habang kinukwelyuhan ang sarili ko sa kagustuhan kong makakuha ng sagot. Ito ba talaga ang gusto mo?!

Maaari ngang hindi ako maging pinakamatalinong inhinyero pero sa kaloob-looban ko ay napagtanto kong gusto kong maging “the best version of myself.” Di man ako graduate sa isang prestihiyosong paaralan, hindi man ako nag summa cum laude nang magtapos ako, di ko man nasungkit ang top 1 spot sa CE Board nung nag-take ako (pero nag-top 9 ako sa awa ni Lord!) sa kaibuturan ko naman ay may lumalagablab na apoy ng isang pagnanais na higitan ang sarili ko at maging mas mabuti, mas magaling at mas handang inhinyero. Meron akong perseverance at determinasyon na higitan ang aking sarili – yun at ang pagsusumikap na maabot ang excellence na hinahangad ko. Hangga’t meron ako ng mga bagay na iyon at pagpapala ng Maykapal ay alam kong maaabot ko ang mga bagay na nais ko.

Naisip kong di parin naman sayang ang pagsusulat ko dahil di man ako makakuha ng maraming followers sa aking blog e pwede parin naman akong magsulat ng technical papers. Alam kong ito’y magiging mabigat na hamon dahil mas sanay ako sa creative writing at hindi ang pagsulat ng mga technical na sulatin na kung saan ay punung-puno ng mga alituntunin. (Although, pwede ko parin naman akong magsulat at mag-publish ng manaka-nakang mga kagaguhan ko!)

Palagi kong naiisip ang sinabi ng asawa ko noon sakin: Bloom where you’re planted.

Madalas man akong mainggit sa mga taong binigyan ng sampung talento dahil meron lamang akong dalawa, o maaaring nag-iisa, iniisip ko nalang lagi na “Use that one talent given to you and don’t bury it.”

Sige na nga. Babalik na ako sa paaralan upang mas patalasin pa ang tabak ng aking karunungan!

Maraming beses akong nahirapan dahil sa mga konsepto ng mathematics na di ko maintindihan, mga gabundok na assignments na inaabot ng isang lingo bago ko maintindihan ng lubusan. Awa ng Dios ay nakuha ko rin. Humingi ng payo ang mga classmates ko bakit parang ang dali-dali lang sakin ng mga lessons namin. Sabi ko naman, parang panliligaw lang yan, madalas puyat, di winawaglit sa isip kahit kumakain, nagko-commute, at nakaupo sa inodoro. Higit sa lahat ay di nilulubayan at di tinitigilan hanggang makuha (synonymous sa stalking!) Pero totoo yun. Di ako gifted sa utak gaya nila Newton, Lagrange at ni Fourier. Pero biniyayaan ako ng tiyaga, sipag at laser-like focus kung kaya ang mahihirap na lessons ko ay nakukuha ko at nai-internalyze ko ang mga lessons ko dahil pinaghihirapan ko ito. Minsan ay para akong aning kapag dumadating ang mga eureka moments at nagpapakita ang lightbulb. Kung naranasan mo na ang sinasabi ko ay di ko na kelangan pang i-describe ang feeling. SWEET!

Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na na-internalyze mo ang isang konsepto. Hard-earned. Nakatato na sa balat at di basta-bastang mawawala. Pakiramdam ko ay nag-level up ako sa bawat natutunan ko at nag-expand ako.

Naramdaman kong buhay pa nga ako!

At ang pinakanapatunayan ko sa aking sarili: kapag gusto mo ang isang bagay, hindi ito masama, ginagawa mo ang best mo whole-heartedly (hindi lang half), at pinagpala ito ng Kataasan, makukuha mo ito. Bagamat di pa ako tapos sa grad school ay nararamdaman kong taga dito ako, citizen ako ng paaralang nagbibigay sa akin ngayon ng oportunidad na magbago para sa aking ikabubuti. At hindi lang sa mga henyo ang pag-aaral ng masters, bukas din ito sa mga taong kagaya ko na may tiyaga at may guts na i-improve ang sarili nila.

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

12 thoughts on “Master”

  1. Waaaah. Gusto ko maiyak. Joke.
    Sir alam mo mahusay ka magsulat. Baka kulang ka lang sa motivation haha…ako nga di ko alam kung bakit ako nagsusulat. Olats talaga ako eh. Blogger ako pero di ako writer. Minsan nawawalan ako ng gana magsulat pag nakakabasa ako ng mga napakagagandang katha mula sa ibang bloggers pero keber na lang haha. More of entertainer na lang ata ako kesa writer dahil feeling ko naman kahit papano may natatawa sa mga kalokohang sinusulat ko.

    Isa pa…musikero ka din diba? Bakit di mo din i push haha. Madami ka din naman atang talent…tinatamad ka lang yata or demotivated haha

    Ayun…ang haba ng post mo eh…dami mong points na diniscuss hahahaha di ko na alam ang icocomment lol

    Liked by 1 person

    1. naiiyak saan? hahahaha

      may ishe-share ako sayo na sinabi ni Jeff Goins. “you don’t have to want to be a writer. you are a writer, you just need to write” Tingin ko kulang sakin community, pero I think isa ka sa mga nagdala sakin sa community natin dito sa WP kaya maraming TY sayo Aysa 🙂

      gusto ko na ngang magrecord ng video ko sa soundcloud na kanta ng pearl jam, saka ko nalang ipo-post kapag nagawa ko na para at least gagawin ko at hindi yung sinasabi ko lang na gagawin ko…

      at isa pa, pwede bang wag mo na akong i-address ng sir? hahahahaha pakiramdam ko kasi parang isa yun sa nagda-drive sakin palayo sa mga tao e yung tipong hala matalino to, seryoso tapos ingat na ingat na sa mga sinasabi nila sakin. gusto kong sabihin tao lang din ako, oo gwapo at matalino (ehem) pero I care din sa ibang tao at gusto ko ring makirelate!!

      Like

      1. Ayaw mo Sir? Edi brad. Ha ha ha. O mag record ka na…ako nga record ng record sa souncloud kahit walang nakikinig…ako lang nakikinig hahaha joke…walang edit edit din basta post agad….raw kung raw….para kasing pag natapos mo siya napaka fulfilling eh…para bang achievement hahaha

        Kulang ka lang sa tulak brad….kaya tinutulak kita ng husto hahaha

        Record na yan…parinig na yan hahahaha…at magsulat ka pa haha

        Liked by 1 person

  2. wow salamat naman sa IMmoral support hahahaha

    Brad, that’s more like it!

    tapos ngayon ko lang nalaman pusher ka pala. hahahaha dahan dahan lang sa tulak brad, baka bangin na yan e baka mahulog ako 🙂

    sige magrerecord ako – nang nakatalikod 😀 gusto ko yung fulfillment, no matter what the outcome is, all that matters is you did it nontheless…

    Liked by 1 person

    1. bwahahahah IMmoral support talaga…

      oo brad marami na nga akong naitulak eh LOL pero hindi naman sa bangin ha ha ha

      ano ka ba…sa soundcloud, kaya makapal ang apog kong magrecord kasi boses mo lang naman…kaya feeling record artist ako sa soundcloud account ko eh…record lang ng record ha ha….

      isa pa, eh ano kung ayaw nila sa kanta ko? Di naman ako kumakanta para sa mga haters kundi sa iilang taong gusto makinig sakin ha ha ha

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s