Kung Anu-Anong Kaululan sa Loob at Labas ng UV Express

Masarap titigan ang mga plump lalo na kapag may kaunting tyan. Di ko tuloy mapigilang sabayan si Jay Contreras sa pag-growl ng “SEKSI SEKSI!”

Advertisements

Pronto. Hora mismo.

Dati naiinis ako sa boss ko dahil kung magpatrabaho e parang nagpapatimpla lang ng kape. Instant, dapat ay nasa mesa na nya agad at umuusok pa. Trigger happy. Ganun siguro kapag boss ka na. Gusto mo may pyramid at great wall agad na nakatayo kahit ilang buhay ng mga alipin man ang kapalit nito.

Di ko tuloy namalayan ang sarili ko na gusto ko na ring makuha ng instant ang mga bagay bagay na gusto ko. In short, nakuha ko na ang ugaling kinaiinisan ko sa boss ko.

Lalo na kapag naiipit ako sa trapik. Kung pwede nga lang sanang paliparin ang UV Express na sinasakyan ko mula Pasig hanggang Ayala at vice versa. O di kaya’y magkaroon ng kapangyarihan tulad ni Bayani Casimiro na isang pitik lang ng daliri ay mawawala na agad.

Sa inaraw-araw ay ganito ang takbo ng kapalaran ko na animoy isinumpa ng hinayupak na trapik.

Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Sa mga ganito ring panahon ako madalas atakihin ng perversion disorder. Basta may chick o chickmom na naka-skirt ay napagdidiskitahan ng mga discreet kong titig – kahit knee-length ito. Syempre lalung-lalo na kapag mini na mahigpit ang pagkakayakap sa wetpu, bewang, at binti! Feels like heaven!

Masarap titigan ang mga plump lalo na kapag may kaunting tyan. Di ko tuloy mapigilang sabayan si Jay Contreras sa pag-growl ng “SEKSI SEKSI!”

Yun nga lang, madalas ay hindi mga tipo nila Miranda Kerr at Heidi Klum ang mga nakakasakayan ko at nadadaanan. Madalas ay nadadaan lang sa puti ang ganda. Sabi nga nila, 80% ng kagandahan ng babae ay nakukuha sa pagkaputi. Bonus na lang talaga kung maladiwata ang nakatabi mo sa UV. Shades lang ang katapat nito para magka-unlimited titig ka sa kanyang kagandahan.

Ito ay hindi lamang ginagawa sa mga kadahilanang pansarili lamang bagkus ay isa itong uri pangangailangan upang manatiling sane sa buhay. Aminin na natin na bukod sa fulfillment ay stress ang dulot ng isang araw na trabaho at may pabaon pang buwiset at pagod pagcommute mo pauwi. Kaya imbes na murahin ang ninuno mo, isumpa ang kasalukuyang presidente o i-browse ang pdf ng Hustler sa cellfon mo, tumingin ka nalang sa magaganda…

 —

 Kung hindi lang kumakadyot ang UV ay magbabasa nalang ako ng pocketbook pampalipas oras. Pero kung titigil, aabante at titigil ulit ang sinasakyan ko, baka maduwal pa ako sa hilo. Sana nga lang ay palaging chick ang katabi ko at hindi matatanda. Pakiramdam ko kasi ay para akong nakahilata ako sa alapaap at naglalambing si Aphrodite sakin kapag inaantok na yung chick at sumasandal na sa balikat ko. Hayyyy…

Balik sa libro.

Matagal na akong hindi nakapanood ng sine. Walang cable sa bahay at lalong wala akong pang-sine. Kaya alternatibo ko ang pagbabasa ng paper-back books lalo na kung action at thriller ito na tungkol sa giyera, terorista at crime ala-CSI. Utang na loob, ayaw na ayaw ko ang tungkol sa bampira. Litsi!

Sa pagbabasa ay para narin akong nanonood ng sine na mistulang pag-aari kong sinehan. Wala naman akong hinanakit sa mga pelikula. Ang mahirap lang kasi sa mga pelikulang galing sa libro ay contaminated na nito ang orihinal na akda. Parang may ngumuya na ng pagkain mo para sayo at lulunukin mo nalang ito. Nababawasan na tuloy ang dapat na ginagawa ng utak na paglakbayin ang imahinasyon kung saang dako paroon. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit tinawag na idiot box ang tv dahil madalas ay nahahawaan nito ang mga palaging nakatitig dito.

Wala na ako sa loob na UV. Sa wakas ay nakarating rin ako. Kelangan kong maghugas ng baso at kutsara para may gamitin. Kapag sinuswerte ka nga naman at may sinusundan kang ubod ng kupad na maghugas ng baso sa pantry! Matagal na akong hindi naghuhugas ng pinagkainan ko sa opisina dahil naiinis ako maghintay ng mga nakapilang maghuhugas din. Parang may sinusundan kaming karo habang ang naghuhugas ay aliw na aliw sa pagtake time niyang maghugas. Diyos miyo!

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

5 thoughts on “Kung Anu-Anong Kaululan sa Loob at Labas ng UV Express”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s