Liham Para Kay Joanna

Photo from thoughtssynchronized.blogspot.com
Photo from thoughtssynchronized.blogspot.com

Kumusta ka Joanna?

Namiss kita, sobra. Christmas party pa nang nakaraang taon nang tayo’y nagkita. Para kang prinsesa sa suot mo, akmang-akma sa tulad mo. Mahusay ka rin palang sumayaw! Sayang lang at ikaw ay nasa bandang likuran. Subalit huwag kang mag-alala dahil tulad ng isang bitwin, nakikita ko ang angkin mong karikitan sa kalayuan.

Marahil ay natuwa ka nang kami ay lumipat na sa ibang building dahil di mo na ulit makikita ang mga matang araw-araw na sumusubaybay sa kanyang hinahangaan. Hindi naman ako manyakis na maaaring naiisip mo. Siguro ay di ko lang talaga maipahayag ang damdamin kong tuwang-tuwa tuwing kita’y naaaninag sa paraang ikagugusto mo at maaaring isukli mo rin sa akin. Oo alam ko na hindi ako yung tipo ng tao gaya ni Jun Bogart na hindi pwedeng hindi lingunin ng mga tulad mong magaganda. Ako’y tahimik, salat sa karanasan sa pakikitungo sa kapwa, lalo na sa gaya mong napag-uukulan ko ng pansin at pagmamahal.

Sana dumating ang isang pagkakataon na tayo ay masayang makapag-usap ng walang hadlang at wala kang takot at pag-aalinlangan sa akin.

Nais kong ibalita sayo ang mga pagbabago sa aking pananaw mula nang huli tayong magkita. Mahaba na ang mga balbas, bigote at buhok ko. Siguro ay di naman ako nagmumukhang si Pacquito and Romy Diaz dahil may salamin na ako. Awa ng Dios ay malinaw parin ang mga mata ko, kung kayat gusto ko itong alagaan at pahalagahan. Sabi nga ng isang malapit sakin ay mukha na daw akong trustworthy ngayon sa aking napiling propesyon na engineering dahil sa aking salamin.

Nagpapasalamat din ako sa pagkakataong mabasa ko ang libro ni Susan Cain at naintindihan ko ng lubos at mas lalo kong pinahalagahan ang aking pagiging introvert. Mas masarap na ngayong manatiling tahimik sa gitna ng kaguluhan ng aking mga kaopisina. Mas sumarap pa ang mga pagkakataong ako’y nag-iisa dahil ako’y nakagagawa ng tulad ng binabasa mo ngayon.

Kung meron man akong relapse ay sa tuwing maiisip kong baka mas gusto mo ang lalaking mas magaling sa salita at swabeng-swabe ang diskarte. Madalas noon na mainis ako tuwing naiisip ko na wala na nga akong malakas na sex appeal e, wala pa akong katangian na maaaring magpalingon sayo sa kinaroroonan ko. Malalalim din ang jokes ko na kadalasan ay hindi tinatawanan ng mga taong nakakausap ko.

Sa madaling salita ay naiinis ako minsan sa sarili ko dahil hindi ko magawang kunin ang atensyon mo upang ako’y pakinggan mo habang tangan-tangan ko ang iyong mga palad.

Maraming salamat nalang sa social media dahil kahit pano, doon ay araw-araw kitang nakikitang nakangiti sakin, hindi umiiwas, at pinahihintulutan mo akong makita ka sa mga sandaling ikaw ay bilang ikaw.

Kumusta naman ang trabaho ko, kamo?

Sakit sa ulong structural design, yan ang nakahain sa amin araw-araw binibini. Marahil sa iba ay ordinaryong araw lamang ang gaya nito ngunit sa akin ay hindi. Inaangkin kong parang pag-aari ko ang mga proyektong sangkot ako. Nag-iisip ako tungkol dito ng mga diskarteng teknikal kahit ako’y nakahilata na sa gabi upang mamahinga.

Ganyan araw-araw. Isang digmaan kung saan kailangan kong gamitin minu-minuto, segu-segundo ang aking utak kung gusto kong umangat at umabante. Subalit ito ay isang digmaang nakakatuwa sa akin. Ito ang buhay ko, ito ang pinili ko, ito ang gusto kong gawin.

Pagkatapos ng araw ay ubos ang utak ko. Mistula akong zombie na walang diwa at isang adik na lumulutang. Alam mo ba kung ano ang nagpapanumbalik ng aking katinuan? Yon ay walang iba kundi ang pagtingin sa magaganda – at ikaw binibini, ikaw ang nagbabalik-buhay sa aking diwa.

Ngunit hindi naman puro trabaho lang ang kinabubuhay ko. Mahilig din ako sa good time kasama ng mga piling kaibigan ko. Yung mga pinagkakatiwalaan ko ay kakaunti lamang, yung mga tipo lang na sa tingin ko ay makikinig sa aking mga sinasabi. Totoo na karamihan sa aking mga kaopisina ay kasama ko lamang sa trabaho dahil, siguro ay hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap at bumuo ng isang samahan. Ramdam kong ilag sila sa akin, siguro ay dahil sa personalidad kong tahimik, pangalawa siguro ay ayaw nilang makasama ako sa kanilang mga lupon ng kaibigan. Kanya-kanya sila dito. Nahihiya naman akong ipagsiksikan ang sarili ko upang masabi lang na marami akong kaibigan at maturingan akong “in”.

Ayos sa akin yung may live band at malamig na malamig sa pale pilsen. Di ko gusto ang lights at lalong hindi na ako sanay uminom ng hard drinks. Sana minsan ay magkasama tayo upang pagsaluhan ang isang bucket ng beer at magkwentuhan, no holds barred. Ganun lamang kasimple ang pangarap ko.

Marami-rami narin akong mga nakitang (hindi nakilala) mga magagandang mukha dito, simple ngunit may dating. Ang alam ko nga nung una ay makakalimutan kita kaagad. Ngunit ngayon ko lang napagtanto na hindi pala magiging ganun kadali yon dahil hanggang sa mga oras na sinusulat ko ito ay ikaw ang naiisip kong pagsabihan ng mga nasa isip ko.

Lubos akong nagagalak dahil nakawala narin ako sa sa wakas sa isang mapanirang obsesyon sa pag-iisip kong baguhin ang sarili ko upang magustuhan mo ako at nang ibang tao. Hindi ko na iniisip kung ano ang sasabihin ng iba basta’t wala akong ginagawang masama at naihahayag ko ang aking mga saloobing hindi ko ginawa upang manira ng ibang tao bagkus ay upang mapagyaman ang aking mga sariling kakayanan at makapagbahagi ng makakapagpalaya din sa iba (kung meron man).

Ngunit kung tayo’y bibigyan ng pagkakataong maging magkaibigan ay aking tatanggapin ng buong puso. Maaaring hindi ako maging ganun kaaktibong kaibigan tulad ng ibang tao ngunit ako ay mananatili bilang isang tahanan na babalik-balikan, kung saan ay hindi mo na kailangang magsuot ng maskarang pang-cosplay, kung saan ay di mo na kinakailangang magpanggap bilang ibang tao at persona dahil sa iyong tahanan, ikaw ay ikaw at yun lamang ang mahalaga sa akin.

Kung hanggang sa ngayon ay nagtataka ka parin kung bakit sayo imbes na sa isang bote ng Redhorse ko sinasabi ang mga bagay na ito – tulad mo ay wala rin akong maisip na dahilan. Sasapat na ba sayo ang sagot na “basta” at “ewan”? Total naman kapag nagmamahal ka e hindi mo naman talaga kelangan na may rason ka, di ba? (“,)

Hanggang dito na lamang ang aking liham Joanna. Salamat sa iyong pagbabasa at sa inukol mong atensyon at oras 🙂

 

Lubos na nagmamahal,

angmamangenhinyero

 

P.S. Advanced happy birthday!

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

6 thoughts on “Liham Para Kay Joanna”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s