Ang Gimik. Sabay Ka Lang Sa Totoong Chickboy

live band Bibihirang makita ang magagandang “tanawin” sa opisina, kung kaya isang paboritong past time namin ay ang pag good time gaya ng night outs o gimik. Dito ay kailangan mong mag-unwind, pansamantalang isantabi ang trabaho at boss na tae ang ugali, at syempre, pulutanin ang nakitang mga bagong chick sa opisina! Wala nang mas sasarap pa sa beer at unlimited sarsa (ilokano short for sarsarita o kwento).

Madali lang naman akong masolb. Di ko naman kailangan ng “extra service” ika nga dahil una, may asawa at anak na ako, pangalawa ay takot na takot ako sa karma. Drinks at rock music lang ay ok na ako at syempre mga magagandang vital statistics na hindi maikubli ng damit dahil madalas ay nagiging enhancement pa ito.

At kapag pinagsama-sama ang live band, alak, at maraming tao, sabi nga ng kaibigan ko ay “it’s good!” lalo na kung sasamahan mo pa ng good looks at karismang pamatay e, “you’ve got the whole world in your hands.”

Sa kasamaang palad ay isa lamang akong average joe at minsan ay hindi ko maiwasang mainis kung bakit wala sa akin ang talentong gusto ko sana ay nasa akin: ang maging chick magnet.

Dito ako sobrang bilib kay Jun Bogart. Idol. Sobra.  Halos wala akong masabi. Matangkad si Jun Bogart, athletic, at di maikakailang gwapito at certified chick magnet. Maging sa opisina ay hindi nya kayang itago ang kanyang talent.

May baguhan kaming officemate nun. Di siya kagandahan at wala siyang pamatay na curves. Niresearch talaga ni loko at tinanong niya pa sa HR namin kung saang school siya graduate. Sakto naman na same school sila. Nagpapansin siya sa Facebook at naging friends sila. Ang alam ko ay wala pa silang pormal na pag-uusap mula noon. Nung isang araw na sports fest at may event yung babaeng officemate naming, ay siya mismo ang lumapit at nagtanong kay Jun Bogart kung pupunta ba siya sa event. Syet! Lupet talaga. Hindi ito isang random na hi, hello dahil if you read between the lines, katumbas yon ng “pwede mo ba akong ihatid mamaya?”, “samahan mo ako mamaya” at “I like you.” Tinanong ko si Jun Bogart knabukasn kung naka first base na ba siya. Sabi niya ay hindi dahil may importanteng lakad daw siya noon. Parang ako ang nasayangan noon pero two thumbs up parin ako sa kanyang mga da moves.

The best example ng pagiging matulis naming mga engineers (huwag ka nang kumontra, kwento ko to) ay noong gumimik kami sa Blue Wave. Sweldo noon kaya may konti kaming naitabi pag good time. habang nang-aalaska ang singer ng live band noon na parang cross breed ni Mitch Valdes at Gladys Guevarra (na tatawagin kong si Mitch Guevarra) ay napansin na naming ang mga “prospect” sa paligid: isang mala Assunta de Rossi, mga “ok na” na hindi ko mabigyan ng kamukhang artista, at isang backup singer na ang description ni Mitch Guevarra ay “bagong raspa”. Long legged siya, maputi at maganda ang assets. Pero ang lubhang nakatawag ng aming pansin ay ang birthday girl sa kabilang table na si Tita Maui. Kung mai-imagine mo si Maui Taylor, patandain mo lang ng konti at maiksi ang buhok, siyang siya nga, mismo! Di maitatangging may edad na si Tita Maui pero ika nga “she still has it.” Kaharap ko ng table si Tita Maui at nakatalikod naman sa kanila si Jun Bogart. Panay ang sulyap ko kay Tita Maui samantalang ang dalawa kong kasama ay naghahanap ng mas bata. Hindi ko maipaliwanag kung bakit mas nagagandahan ako sa mga may edad na at lalo na sa mga chickmoms – mga mommy na chick material parin. Ang masakit tanggapin ay ni chickmoms, matrona o mga bata ay hindi attracted sa akin. Siguro nga ay hindi ako boyfriend material at marahil ay I don’t have it – balik sa kwento.

live band

Nang medyo nakainom na si Tita Maui ay unti-unti nang nakakalas ang kadena ng konserbatismo na nakapulupot sa katawan niya. Sumasabay na siya sa paggiling sa background music kasama ng kaniyang mga 10 hanggang 15 kasama sa table. Ok to sabi ko sa isip ko sabay turo ko kay Jun Bogart at sa isa pa naming kasama. Siguro ay natural na sa dalawa kong kasama ang pagiging cool at game lalo na sa mga chicks. Nararamdaman kong trying hard akong magpa-cute kay Tita Maui at kay bagong raspa pero syet talaga. I don’t have it, hehehehe.

Nang tumatama na ang alak sa amin ay naganap ang bagay na, nakakainis mang aminin na which turned us green with envy sa bangis ni Jun Bogart. Isa sa mga kaibigan ni Tita Maui ay lumapit kay Jun Bogart at nagtanong kung pwede bang makipicture sa kanya si Ms (Mrs.??) birthday girl total birthday naman daw niya. Sobrang inggit ang naramdaman namin ng kasama ko habang hawak ni Jun Bogart ang tagiliran ni Tital Maui at kinukunan sila ng picture.

Sinubukang kunin ni Jun Bogart ang number ni Tita Maui pero dahil protective siguro ang mga kaibigan ni Tita Maui ay di nila yun ibinigay. Kung nagtagal pa kami siguro ay baka may mga pagbabago sa mga pangyayari dahil nang umalis kami ay todo ang paggiling ni Tita Maui sa kasama nilang lalaki dahil narin siguro sa epekto ng alak. Siguro ay trip lang ni Tita Maui yun at ramdam din namin na wala silang anumang relasyon nung lalaki. Parang ako ang nasayangan sa maganda sanang mangyayari para kay Jun Bogart. Pano kaya kung sa akin nagpapicture si Tita Maui?

Ala-una na ng madaling araw nung umuwi ako. Ang alam ko ay may iba pa silang pinuntahan pero ako ay kailangan nang umuwi dahil may naghihintay sa akin sa bahay. Sa bus na sinakyan ko pauwi (north bound) ay sa pinakalikod ako umupo. May chickmom na dala ang kanyang mga hanggang 7 taong gulang na anak! Swerte! Nasa EDSA Ayala na kami noon nang pinagana ko ang aking self talk – na papansinin ako ni ate ng wala akong sinasabi at hindi ako ang gagawa ng first move. Pogi ako, may ibubuga, at di pa nalilipasan ng panahon. Kaya ko ‘to! Pagtapat ng EDSA Buendia ay lumipat na ng upuan ang mag-ina…

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

8 thoughts on “Ang Gimik. Sabay Ka Lang Sa Totoong Chickboy”

    1. hahahaha ewan ko ba Aysa parang nailalabas nila kasi yung inner beast ko without saying a word, kahit simpleng body language lang, yung tipong animal to animal na ang communication… sexy kasi yung singer e lumalapit siya sa isang grupo sa kabilang table, tapos sabi nung kasama ng babae “yan sir bagong raspa yan” 🙂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s