Welcome Remarks 2 – All About Us (Kami Muna ang Bibida)

Bumibili ako ng kausap.

Literal yun at hindi isang idiomatic expression. Para may makausap ako ay kailangan kong magyaya ng inuman. At dahil ako ang nagyaya at isa itong “need” na hindi pwedeng palampasin, ako palagi ang taya. Masakit sa bulsa kahit sa tulad kong sabihin na nating middle class earner na may isa nang pamilya. You can have money but you cant buy friends, ika nga. Pero sa isang bucket ng Redhorse siguradong may isa akong mabibiktimang lumaklak at mamulutan ng mga kwento kong ewan ko kung may gustong makinig na hindi lasing. Cheers!

Welcome sa aking club at nakatsamba ka dahil happy hour na at ako ang taya…

 -o-o-

Isa akong technical na tao sa propesyon kong isang structural design engineer. Sa mga hindi nakakaalam, kami ang (TANANANANTANAN!) may responsibilidad sa pagdisenyo sa mga imprastraktura – gusali, tulay, kanal, malaking imbakan ng jebs, kalsada at iba pang bahagi ng pisikal na mga bagay na gamit natin araw-araw. Sa madaling salita, kami ang nagdidikta kung gaano kalaki dapat ang mga poste, kung ilang bakal ang kailangan, at kung ilang beses ka lang dapat magjebs sa isang araw upang maging ligtas itong gamitin ng mga tao. Safety and economy is the name of the game.

Di gaya ng mga kapatid sa trabaho naming mga arkitekto na kung magkamali man (i.e. nakalimutang maglagay ng pintuan at bintana sa isang bahay) ay ok lang. Maliit hanggan zero tolerance kami sa mga pagkakamali dahil buhay ang nakasalalay dito. Hindi pwedeng marinig ang salitang “ay!” sa amin – “Ay nakalimutan kong maglagay ng poste”, “Ay lumutang ang 13th floor!” (Trivia: walang 13th floor sa ano mang gusali sa Pilipinas dahil malas daw ito kaya ang mababasa mo lang sa pindutan ay …11th, 12th, 14th, 15th…)

Kaya bago ka maging gaya namin, dadaan ka muna sa maraming quizzes, research, sleepless nights, alak, project study, reports, beerhouse sa Recto, at iba pang katakot-takot na mga pagsusunog ng kilay. At hindi sa pag-graduate mo sa engineering natatapos ang lahat. Real world na, kung saan may continuing education through experience at self-study. Meron ding post-graduate studies tulad ng masteral (M.S. or M.A.)  at doctoral (Ph.D.) Sa stage na to ng engineering ay mas respetado at pinaniniwalaan ang mga matatanda at uugod-ugod na senior engineers.

Habang buo ang utak mo at hindi ka pa nasisiraan ng bait ay hindi ka papansinin. Sabi nga ng nabasa ko na hindi ko na matandaan kung sino, M.A. stands for “mentally abnormal” at ang Ph.D ay “permanent head damage.” King wala ka man ng mga ganitong degree ay same degree of impact pa rin ang damage kung ikaw ay 20+ years na sa serbisyo.

Hindi madali ang ganitong trabaho. Kailangan mo parin ng basics, na napag-aralan ng ilang taon sa unibersidad. Dahil narin sa complexity ng mga istraktura ngayon gaya ng mga nagtataasang gusali at naghahabaang mga tulay, kelangang mag-evolve ka at mag-aral ng mag-aral ng mag-aral upang makasabay sa panahon ngayon at sa kinabukasan.

At least ay may idea ka na kung ano ang structural design. Mahirap pero kung mahal mo ang ginagawa mo ay balewala ang hirap kasi gusto mo at mahal mo ang ginagawa mo.

Boring marahil sa para sa karamihan at weirdo. Most of the time, totoo. Kaya kelangan ng time out at mag pig-out para sandaling makalimot at ma-refresh ang utak para hindi ka masiraan ng bait. At para narin ma-miss mo ang ginagawa mo.

Advertisements

Author: The Romantic Alpha

Aside from physical and intellectual strength, a man is also given a heart to feel and share love and value. Dive into the mind of the alpha, feel his heart beat, and let me carry you with my strong yet gentle hands. I'm continuously innovating myself to be a better man, husband, father, friend, and structural engineer. Love's not overrated. The world needs the true essence of which.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s