Better Than Me

As parents, let us not aim to see a mirrored reflection of ourselves in our children. Rather, let us aim to see in them a better version of ourselves.
– Angmamangenhinyero

Slide1.JPG

Shortcuts

20170119_thursday_quote.jpg

In real life, there are no shortcuts.

Misery and restlessness commence once you buy into that bullshit that you can have a crash course on everything. And the more you hang on to it, the more the torment will rage on.

If you want to REALLY learn, you have to fall to know how to rise again; you have to get wounded to be wiser; you have to fail to be better and be more effective next time.

You have to undergo the entire process because you see my son – there are no fucking shortcuts!

.

.

.

photo taken from blog.wsd.net

Barado

stopit.jpg
taken from consumerist.com

Mga sasakyang bumabara sa kalsada: traffic.

Ugat na daluyan ng dugong nabarahan sa dibdib: heart attack.

Bumarang mga salita sa aking lalamunan nang makahanap ako ng magandang pagkakataon na kausapin ka: “maal ia”

Mga nautal kong salita na bumara sa tenga mo sabay tawa mo ng malakas: “alam mo nakakatawa ka talaga, para kang boyfriend ko”

Buti nalang bumara ang mga luha ko at di tumulo, kunwaring ngumiti ako at napabulong nalang ng : “uang iya, ang ait!

Baradong pagtatapat ng saloobin sayo at basketball na sinalubong ng mga bukas na palad: SUPALPAL!!!

Are You Afraid of The Dark?

Because only in the dark and silence can you find you.

sessiz_kaldim_ardindan____by_day_light
Photo from day-light.deviantart.com

Are you terrified of the dark,
Where your sense of sight is useless?
Where instead of piercing light you see pitch black?
Are you freaking out at the thought that someone or something will grab your hands there,
And talk to you?
And that you can do nothing but listen?

Are you afraid of the silence,
Because you equate silence with sadness?
Because you think it’s tantamount to misery?
Are you afraid of the stillness,
Where you’ll feel you’ve fallen to the abyss?
Dreading that silence commensurates to dysphoria?

Are you scared of the dark and silence?

Don’t be.

Because in the pitch black, someone will touch you: it’s your own soul.

Because in the dark, someone will speak to you: it’s that voice from your heart that you hushed for so long.

Because in silence, another voice will be heard. Unadulterated. Consistent. In perfect sense: it is YOUR own voice.

Because afraid as you are of the dark and silence, there is that perfect peace. Peace that you’ll never find in the most crowded places. Not in the place where the lights shine their brightest . Not in the place of blaring sounds.

Because only in the dark and silence can you find you.

Ano Daw? 1

Slide1

Ang Pilipino Sa Makabagong Panahon (?)

untitled.png
Ang larawan ay mula sa philippineslifestyle.com

Maligayang pagdating sa Pilipinas, ang natatanging Katolikong bansa sa timog-silangang Asya!

Dito:

  • ay dapat mag-ingat sa mga mandurukot
  • ay kung saan ang mga magnanakaw sa bayan ay protektado ng “Rule of Law
  • ay dapat mag-ingat sa mga paliparan. Lalo na sa NAIA dahil sa mga “laglag-bala” boys
  • na kung sa kahihiyan ay naghara-kiri na ang mga Hapon, dito ay nagpi-priviledged speech pa
  • ay kung saan ang mga bibo ay yung mga reklamador; maprinsipyo, matapang, at makabayan naman ang mga nangungudeta at nagtatangka ng destabilisasyon
  • na kung saan madalas ibansag ng ibang lahi ang salitang katulong o di kaya’y mga gold-digger na daig pa ang linta kung makakapit sa mga banyagang may limpak-limpak na salapi
  • ay kung saan ko nabasa na dapat na daw palitan ang Pilipinas ng “Alipinas” o di kaya ay “Pilapinas”
  • ay kailangan mag-ingat lalo na ang pagpunta sa katimugang bahagi ng bansa dahil sa banta ng Abu Sayyaf
  • ay kung saan ang mga rebelde ay aktibo sa walang habas na pagpaslang sa mga sundalo’t pulis kung kelan umiiral ang ceasefire
  • ay kulang nalang sabihan ng iba na manghihimod ng pwet ng mga puti upang makalimos lang ng proteksyon sakaling magkaroon ng digmaan
  • kung saan di bale nang mamatay ang mga alagad ng batas. total, parte naman daw yun ng kanilang tungkulin, wag lang yung mga nanggagahasa ng sanggol at yung mga gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen dahil sa droga. Dahil may karapatan din sila
  • ay kung saan sapat ang dahilan sa sarili na hikahos sila at api upang humilata nalang at magreklamo habang naghihintay ng tulong ng gobyerno.

Masakit ba? Nakakainis pakinggan di ba?

Oo masakit pakinggan, masakit sa dibdib. Lalo na kung manggagaling pa sa ibang lahi. Para kang nanalamin at naisubsob sa iyong pagmumukha ang katotohanan. Para kang nadapa na imbes tulungan ay inaapakan pa ang ulo mo para mahalikan ang putikan.

Vela Blue-chan, Boku wa Suki Da to Sakebitai!

Iba talaga ang dating ng chic na marunong mag rock en roll.

Bukod sa cool na cool ito ay may taste syang astig na hinding-hindi maluluma.

At ang mas nakaka-inlove ay yung kumportable sya sa sarili nya at nage-enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Gaya nalang ni Vela Blue na wala kang magagawa kundi ngumanga at humanga habang hinahataw niya ang drums sa tugtog ng Slamdunk anime opening song na “Kimi Ga Suki Da to Sakebitai” na ayon sa mga translations ay “I want to shout I love you.”

Ang galing ng pagkakabalanse nya ng kanyang pagiging chic at rocker.

Lalo na habang ngumingiti siya ng isang pamatay na ngiti at lumalabas ang kanyang mga dimples ay talaga naman brad!

Pero kung may pagkakataon nga din lang ako ay di ko lang isisigaw ang “I love you Vela Blue!”

Yayakapin ko pa siya.

B.S. Practical Engineering

Ako ang inhinyero sa bahay pero minsan e mas malupit si misis kesa sakin pagdating sa practical engineering.

Dahil summer ay bumili kami ng inflatable pool para sa mga chikiting. May isa’t kalahating metro din yung sukat nung pool at may taas na aabot sa kalahating metro . ‘Di sumagi sa isip ko na bumili ng compressor o yung pampahangin dahil inisip kong kaya ko namang bombahan yung pool gamit ang manual pump na pambisikleta.

Cartoon-baby-swim-pool-1350874085-0
Pambata lang yung kinuha namin… Mula ang larawan sa cn-airmattress.com

Nang makauwi kami ay sinubukan kong bombahan yung inflatable pool.

Syete.

Mauubusan nako ng hangin sa baga at matotodas kakabomba ay siguradong di pa ako mangangalahati.

“Punta nalang tayo sa vulcanizing shop bukas ng maaga,” kako kay kumander.

Sa loob-loob ko ay di ako sang-ayon sa sinabi ko dahil napaka-hassle bitbitin yung pool na halos singtangkad ko kapag nakatagilid lalo na kung sasabayan pa ako ng walang kurapang mga titig ng mga naglalakihang mga mata ng aking mga minamahal na kapitbahay.

“Pero sana may mahihiraman nalang ng compressor kahit yung maliit lang,” kako ulit.

“Pwede siguro yung nebulizer” sabi ni boss.

Nagka lightbulb. Yun nga lang, di ako yung nagbukas ng ilaw.

“Oo nga ano!” nasabi ko nalang na may halong inis sa sarili ko. Ang simple lang dapat nun pero bakit di ko kaagad naisip yun?!

At ganun na nga ang nangyari. Naglalabas nga naman ng hangin yung nebulizer kaya nagamit namin ito para ma-inflate yung pool.

Malaki ang utang na loob ko sa nebulizer na yon dahil buhay parin ako hanggang ngayon at nagkukwento tungkol sa practical sense ni boss at sa nadiskubre naming di lang para sa taong may hika ang nebulizer.

Oo na, sige na nga. Sa pagkakataong iyon ay panalo si kumander samantalang bumagsak naman ang Bataan. Pero di bale na, ayos lang. Mas mabuti na yung inflatable pool ang gumamit ng nebulizer at hindi yung aking mga mini me na tulad kong pogi.